Back
/ 21
Chapter 18

Chapter 16

Diary ng Panget | Mikhaiah (COMPLETED)

Miles' POV

It's already school fair, and I am now preparing everything that I need for the event. Aya already went to the university since she needed to be early. Why? Because she's part of the horror team, haha. She's assigned to be the white lady inside the horror house. I decided to call my friends to ask where are they.

Just like what I've expected, they answered the call really fast. "I'm at the university na, and I already brought all the materials needed." I said. "Nasa gate na kami bro, intayin mo na kami." Camryn said so I agreed to wait for them. "Ikaw ha, kasama mo pala si Aya kahapon. Ayieee!!" it was Gaia who spoke. There they go again. "Lol, hahaha."

I just hope they won't ask me some questions AGAIN.

Aya's POV

Nang makarating nga ako sa university ay agad naman akong tinawag ng mga kasama ko para malagyan na nila ako ng make up sa mukha. Hindi para gumanda, kung 'di para pumanget at magmukhang nakakatakot. Ayos diba? Ako kasi napili nilang maging white lady dahil panget ako noon. Eh bigla akong gumanda bago pa magsimula yung fair. Chos!

Pagkatapos akong gawing nakakatakot ay nakasalubong ko naman si Camryn, ang kaibigan ni Miles.

"Hi, Aya! Kamusta date niyo kahapon ni Miles? Joke lang HAHAHAHAHAHA!" pang-aasar pa nito sa 'kin.

"Huy hindi 'yon date 'no!" pagtutol ko naman sa sinabi niya. Ang kulit kasi nila, hindi nga kasi date 'yon. Pero sana nga hehe, joke.

"Asan nga pala kaibigan mo?" bigla ko namang hanap kay Miles nang mapansin kong siya lang ang nakasalubong ko.

"Sus, tamo. Hinahanap, halata na kasi kayo. 'Wag niyo na i-deny. Pero andoon siya sa may storage room. Kasama si Sophie." agad naman akong lumingon sa kaniya pagkarinig ko nung pangalan ni Sophie.

"Nakisuyo kasi si Sophie sa 'kin na ikulong ko silang dalawa sa room. Aamin na siguro 'yon kay Miles. Pero 'wag ka mag-alala, alam kong ikaw gusto ng kaibigan ko." kininditan pa 'ko pagkasabi niya non. Para akong binibigyan ng assurance ah?

"Tara? Puntahan natin sila." pag-aya naman nito sa 'kin at agad naman akong tumango.

Miles' POV

Great! Now I'm locked here in the room with Sophie. I don't know why the door locked or how she's here. When I entered the room earlier, it was only me. I was supposedly going to stock the other materials for the fair here.

"Miles?" Sophie insisted on starting a conversation. "What?" I responded coldly. I'm starting to get hints that this was her plan after all. The reason why we are both locked inside the room.

"Alam kong simula bata pa lang tayo, magkaklase na tayo. I can still remember kung paano mo 'ko niligtas sa mga bullies before. You were my superhero back then." she's starting to have some flashbacks on how we met.

"And now? What are you trying to imply?" I asked her while looking directly into her eyes.

"Miles, I like you. Ever since we were kids, I have already liked you. Wala akong lakas ng loob umamin sa 'yo noon, pero ngayon? I finally have the courage, Miles. Gusto kita mula noon, hanggang ngayon." I can see her tears starting to fall from her eyes. I broke our eye contact.

"Sorry , Sophie. But no." I responded straight to the point.

"Bakit? Bakit, Miles? Andito naman ako ah, may iba pa ba?" she asked as if she were begging. I simply nodded.

"Si Aya ba? Pero she told me that she was just a maid and nothing's happening between you two." I nodded again for what she said. She started crying.

Aya's POV

Huy bakit narinig ko pangalan ko? Nakikinig lang ako rito madadamay pa 'ko.

"Bakit ako nadamay?" tanong ko kay Camryn. Andito kami sa may pintuan ng storage room at nakikinig sa pinag-uusapan ni Sophie at Miles.

"Makinig ka lang diyan." saad naman ni Camryn habang nakangisi. Idinikit ko na ulit ang tenga ko para makinig sa pag-uusap nila.

"There is something about Aya that I didn't expect I would see in her. I admit that when I first saw her, she was too clumsy. I don't agree with what I've said before, that she's ugly. I only said that because I am used to judging other people, but when we did spend time together? That day when we were both locked in the student council room? That's when I realized everything. The beauty of an individual will be seen through its inner soul, not from what you see in their appearance. Yes, she may be my personal maid. But I see her more than that. I do like her, or maybe I do love her. I keep on denying things within myself, but now I already prove, not just to you but also to me, that Aya? She is really special for me." rinig kong sinabi ni Miles.

Nagulat ako sa narinig ko kaya agad akong napalayo sa pintuan at tumingin kay Camryn na para bang nagtataka.

"Sabi sa 'yo eh. Teka bubuksan ko na 'tong pinto." pang-asar naman niya sa 'kin sabay tinanggal na ang kadena na nakaharang sa pinto na nagsisilbing lock at pinihit na ang door knob.

Pagbukas ng pinto ay tinulak agad ako ni Camryn sa loob kaya nakuha ko ang atensyon nila Sophie at Miles. "H-hi!" nahihiya kong bati sa kanila.

Tinignan naman ako ni Sophie habang umiiyak siya at maya-maya ay napa-iling na siya sabay biglaang lumabas ng pinto. Hala! Nag-walk out...

"Ako nang bahala do'n. Susundan ko siya." agad na sinabi ni Camrynat umalis na sa loob ng storage room.

Tumingin naman ako kay Miles at napansin kong nakatingin din pala ito sa 'kin.

"Did you heard everything?" tanong nito sa 'kin. Dahan-dahan naman akong tumango.

"Let's go sa wedding booth. No buts. Gaia listed our names earlier kaya we don't have a choice." pag-iiba nito sa usapan sabay hablot sa 'kin palabas ng pinto.

Ano 'yon? Hindi pa nga ako nakaka-move on sa narinig kong pangalan ko kanina, tapos ngayon magpapakasal na?!

--------------------------------------------------------------------------------

DISCLAIMER:

- expect for grammatical & typographical errors

- separate story from reality

- feel free to give feedback

- the author is not a professional writer so don't expect too much

Share This Chapter