Back
/ 21
Chapter 19

Chapter 17

Diary ng Panget | Mikhaiah (COMPLETED)

Aya's POV

Habang kinakasal kami ay napansin kong nanonood si Sophie sa gilid habang umiiyak. Nang mapansin niyang nakatingin ako ay agad siyang tumakbo palayo. Napansin ko rin namang nakita siya ni Jade kaya hinabol siya nito.

Pagkatapos ng ganap sa wedding booth ay hinatak ko naman si Miles sa lugar na wala masyadong tao, bago ako pumunta sa horror house.

"Bakit mo sinabi yung mga 'yon kanina? Nasaktan mo si Sophie!" pasigaw kong tanong sa kaniya.

"What? She'll get hurt more if I didn't admit my feelings. And yes, all of those were true. Tsaka you want to help Jade sa kaniya, right? Aren't you happy for them?" sagot naman niya sa 'kin sabay ngisi at nilayasan ako.

Wow, gusto raw ako pero nilayasan ako? Ayos ka pre. Teka... SO GUSTO NIYA TALAGA AKO?! WNUHADHSUFHW TOTOONG KASAL NA PLEASE, eme!

Habang nasa horror house na ako ay syempre, nananakot na 'ko malamang. Maya-maya ay biglang may babaeng dumating habang may tinatakot ako.

"ANG OA NIYO!!!" sigaw naman nito sa mga 'to. Si Sophie. Siya ang babaeng sumigaw ngayon.

"Aya, can we talk?" tanong naman niya sa 'kin. Agad naman akong sumang-ayon.

"Sophie, I'm sorry." agad naman niya 'kong pinigilan.

"Aya, it's fine. And kilala kita. I know you also like Miles. Don't worry about me, okay? I totally forgive you and I also understand kaya please, don't feel bad." sagot naman nito sa 'kin. Ang bait talaga ni Sophie kahit kailan.

"Also, Jade talked to me. She confessed everything. And, I was wondering. Should I give her a chance? Maybe Miles is not really for me." dagdag naman nito. Agad naman akong napangiti at nagpigil ng kilig sa sinabi niya.

"HUYYY!!! Oo naman! Jade deserves it naman din." saad ko sa kaniya. Ngumiti naman siya. Alam kong ayos na kami, bati na kami. Niyakap namna niya agad ako sabay may paparating na naman na mga grupo sa 'min na nagsisigawan kaya agad siyang kumalas sa pagkakayakap at hinarap ang mga ito.

"BAKIT ANG O-OA NG MGA TAO RITO!!!!!!!!" natawa na lang ako sa pagsigaw at pagtataray nito.

Naging maayos naman ang takbo ng school fair namin at gabi na rin nang matapos ito. Nung pauwi na sana ako ay biglang may bumusina sa likod ko.

"Anak ng tipaklong!" sigaw ko rito. Bigla namang bumaba ng sasakyan ang bumusina at nakita kong si Miles ito.

"PAPATAYIN MO BA 'KO SA GUL-" agad naman niyang pinutol ang sasabihin ko. "Hop in." pag-alok nito sa 'kin sabay bukas ng pinto. Pinigilan ko namang ngumiti.

Passenger Princess na naman ng isang Sandford ang atake ko ngayon dito sa sasakyan ni Miles.

*Group Conversation*

Camryn: AYAN!

Camryn: Mabuting magkaroo ng gc na andito tayo lahat.

Maeve: magkaroon*

Camryn: TYPO LANG NAMAN ANG ARTE

Camryn: Ay hala gagi crush. Hi....

Gaia: HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA DSURB!

Twitter:

Maeve Remington (@m.remington)

arte pala ah, crush pa naman kita.

Maeve Remington (@m.remington): #uncrush

Camryn Gonzales (@camgnzls) : HALA HALA, JOKE LANG 'YON

*Group Conversation*

Shaina: Camryn crush ka rin daw ni Maeve!

Gaia: Crush din ni Camryn si Maeve...

Gaia: Tapos ikaw crush ko.

Camryn: Bida-bida, galawan mo tol!

Twitter:

Shaina Anderson (@shainanderson)

same, crush din kita.

Gaia Ashford (@gaia.shfrd) : HALA, ako ba 'yan??

Shaina Anderson (@shainanderson) : hindi, yung kapatid mo

Gaia Ashford (@gaia.shfrd) : wala akong kapatid

Shaina Anderson (@shainanderson) : oh edi ikaw nga kasi!!! kulit naman ng apogs mo

Anong meron? Bakit parang ang ingay na naman ata ng phone ko kanina pa?

*Group Conversation*

Jade: Guys, I'm courting Sophie na.

Maeve: HA

Shaina: ANO

Sophie: Yess! And no more questions pls.

Camryn: Ang angas naman, partneran pala rito sa gc eh.

Gaia: Asan na ba sila boss?

Camryn: Hoy, wedding booth lang yung kanina ha! Baka naman nag-honeymoon na kayo HAHAHAHAHAHAHAHA

Nababasa ko mga pinagsasasabi niyo jusko, Camryn. Kung ano-anong mga pakulo na naman huhu.

*Group Conversation*

Miles: What is this?

Gaia: Boss si Camryn talaga 'yon.

Camryn: Chill pre, kasi naman. Para nasa iisang gc na tayo lahat diba. O tamo, may kaniya-kaniya na rin pala tayong parter eh.

Aya: Anong partner amp?

Maeve: Sis nagkaaminan na lahat dito, kayo na lang hindi. Eme.

Camryn: Tapos na 'yan si Miles umamin, 'yang kaibigan niyo na lang ang hindi pa nakaka-amin HAHAHAAHAHAHA

Luh? Teka, SO MAY FEELINGS TALAGA YUNG MGA KAIBIGAN NAMIN SA ISA'T-ISA? AHHAHAHAHAHAHAHAHA OKAY.

*Group Conversation*

Aya: Anong aaminin ko?

Sophie: Girl, don't deny na. We all know it naman na

Miles: Hmm?

Agad namang may kumatok sa kwarto ko at pagbukas ko ay si Miles ang bumungad sa harapan ko. Inaya naman niya 'kong pumunta sa garden at doon daw kami mag-usap.

"I know what they were trying to say, but I want to hear it personally instead of reading it." saad naman nito. Wow, confident siya ah.

"Okay. Edi... I don't like you, Miles." seryoso kong sabi rito habang tinitignan ang magiging reaksyon niya, HAHAHAHA.

Kitang-kita naman sa reaksyon nito na para bang mali yung iniisip niyang sasabihin ko kaya agad kong kinuha ang mga kamay niya at diretsong tumingin sa mga mata niya.

"Biro lang. Miles, simula pa lang nung nadapa ako sa harap-" naputol ang sasabihin ko dahil bigla siyang tumawa. Sinamaan ko naman agad siya ng tingin kaya tumahimik na rin siya.

"Simula pa lang nung nadapa ako sa harap mo nung nasa may gilid ka ng hagdanan nakaupo, gusto na agad kita doon pa lang. Nawala lang sa isip ko dahil napalitan na ng inis sa 'yo dahil sa mga pinagsasasabi mo sa 'kin nung panahon na 'yon." tahimik naman siyang nakikinig habang nakatitig sa 'kin.

"I like you, Miles. Ay hindi, I love you. Lumalalim yung nararamdaman ko para sa 'yo sa bawat araw na lumipas. Pilit ko lang tinatanggi sa sarili ko lahat pero now, I think this is the right time." nakita ko namang gumuhit ang ngiti sa labi niya.

Bigla namang pinost ni Miles ang picture ko na umiiyak kasi naging kami na rin after kong mag-confess sa kaniya. Hinard launch ba naman agad ng isang Sandford.

*Group Conversation*

Maeve: HOY

Camryn: ANO 'YON

Gaia: HUY SILA BOSS AT AYA

Shaina: ATECCO PABIGLA-BIGLA NAMAN ANONG MERON

Sophie: OMGGGGG

Jade: AYAN NA SILA

Syempre hindi ako nagpatalo at hinard launch ko na rin si Miles sa twitter kaya mas lalo namang umingay ang gc namin.

*Group Conversation*

Maeve: HUY NAPAKA-ANO NAMAN NUNG DALAWA AYAW LUMAPAG DITO

Gaia: BOSS BAKIT MAY PAG-HARD LUNCH

Shaina: Bebe, launch po. Hindi tangalian

Gaia: Tanghalian po bebe

Shaina: Ay sadya 'yan. Tangalian, tanga. Tanga ka bebe eh

Miles: What?

Aya: Bkt po,,,

Jade: 'Wag kayong ano ah. Anong meron sa inyo? Anong official? Pinapaamin ka pa lang namin Aya ah?!

Miles: She already confessed, personally.

Miles: That's why we're together na.

Aya: Huyyyyyyy!!

Twitter:

Camryn Gonzales (@camgnzls)

dinaig pa si flash sa bilis nung dalawa ah........

Pagkatapos naming magbasa sa gc ay humarap na agad sa 'kin si Miles.

"Thank you for giving me a chance to enter your life. I will not waste the opportunity that you gave me. I will love you, unconditionally." nginitian naman ako nito.

"Alexa, play Unconditionally by Katy Perry." sinamaan naman niya agad ako ng tingin sa sinabi ko kaya nag peace sign ako. Niyakap naman niya ako pagkatapos.

--------------------------------------------------------------------------------

DISCLAIMER:

- expect for grammatical & typographical errors

- separate story from reality

- feel free to give feedback

- the author is not a professional writer so don't expect too much

Share This Chapter