Chapter 18
Diary ng Panget | Mikhaiah (COMPLETED)
Aya's POV
After a year...
Nandito kami sa resto ni Miles to celebrate our first anniversary together. Who would have thought na yung dating inis na inis sa isa't isa eh nagtagal na ng isang taon at alam kong maraming taon pa ang sasalubungin namin na magkasama.
Sa kalagitnaan ng aming dinner ay nagsalita bigla si Miles. "Aya, mahal. No words can express how much I love you. Happy 1st anniversary to us, love. Cheers to more years with you!" sabay taas nito ng wine na inorder namin kanina at agad ko rin namang itinaas ang akin.
"I love you so much, baby! Happy 1st anniversary din sa 'tin at marami pa tayong sasalubunging mga taon sa susunod na magkasama." saad ko naman sa kaniya at nag-cheers na kami.
Habang masaya kaming kumakain ay agad namang may tumawag sa phone ni Miles. Ang daddy pala niya 'yon. Kailangan daw nilang magkita sa isang lugar dahil may importante lang na ibibigay ang daddy niya.
Inaaya niya ako kung gusto ko raw ba sumama para maihatid niya na rin ako ngunit tumanggi ako dahil pwede naman akong mag-taxi pauwi at kailangan ko na rin makauwi dahil hinahanap ako ni Auntie para sa karinderya. Naunang umalis si Miles dahil minamadali na siya ng daddy niya kaya nag-intay pa ako hanggang sa may makarating na taxi.
Maya-maya lang ay umalis na rin si Miles at sakto namang may dumaan na rin na taxi sa harapan ko kaya sumakay na rin ako.
Habang nasa biyahe ay tinitignan ko lang ang picture naming dalawa ni Miles dahil sobrang saya ko talaga sa nangyari ngayong araw na tila ba parang panaginip lang lahat.
Miles' POV
While I was driving, Camryn called me.
"Bro." she said. "Miles, kasama mo ba si Aya?" dagdag naman niya sa sinabi niya. By the way, baka nagtataka kayo kung bakit nagtatagalog na ako. Palagi ko ba namang kasama si Aya na ayaw magsalita ng english, edi masasanay na 'ko diba.
"Hey, Cam! No, I'm on my way kay dad kaya hindi nakasama si Aya. Bakit mo natanong?" I asked her kasi parang seryoso yung voice niya and I'm medyo nervous right now.
"Oh my gosh. So siya nga yung nasa taxi?" tanong ulit niya na lalong nagpagulo sa 'kin.
"Huh? What do you mean?" tanong ko ulit dahil hindi pa rin niya sinasabi kung ano ang nangyari.
"Miles... si Aya kasi..."
Author: This chapter is short lang kasi the next part will be the last part na ng story. I don't want to include here yung twist para may isa pang chapter pero I'll probably upload it din ngayon. I'm really sorry for updating too late! Last chapter will be uploaded by this day din! Happy reading, everyone! :)))
--------------------------------------------------------------------------------
DISCLAIMER:
- expect for grammatical & typographical errors
- separate story from reality
- feel free to give feedback
- the author is not a professional writer so don't expect too much