Back
Chapter 10

Chapter Eight

Firefighter Transmigrated into the Mafia Boss' Foolish Daughter

FTMBD

"Who gave you that poison?"

Pagpasok palang namin sa kuwarto niya ay kaagad na siyang nagbato ng tanong. Parang wala na tuloy akong karapatan na kabahan dahil biglaan na lamang itong nagtatanong.

"It's one of my poisons, big brother," mahina kong sabi dito tsaka yumuko.

Sinadya kong hinaan ang boses ko para magpanggap na natatakot sa presensya niya. Balewala ang presensya ng kambal sa lalaking 'to. Kahit nga mga tauhan ng regencia na ito ay mas natatakot dito sa kaharap ko kesa sa mismong patriarch ng pamilya.

Yah! Sino ba namang hindi matatakot sa kaniya kung ganiyan naman siya kung makatitig? Para akong kriminal na nahuli niya sa akto.

ಥ⁠‿⁠ಥ

Inaamin kong hindi talaga ako artistahin. Pero nasanay akong umakting dahil sa tatay kong ginawa akong instant artista noon. Sinasabak ba naman ako sa kaplastikan ng mga tao sa paligid niya, sinong hindi masasanay umarte ng naaayon sa sitwasyon na kinakaharap?

Pasimple kong sinilip ang reaksiyon niya habang patuloy parin sa pag-akto na natatakot sakaniya. His gorgeous face still had a serious expression written on it. Tinitimbang niya siguro kung totoo ba ang sinasabi ko o hindi.

"You're aware that this is the second time you drink poison, right, young lady?" Tahimik naman akong tumango. "What is the poison's level and percentage this time?" biglang tanong nito na kinalunok ko.

Kaagad ko namang pinakilos ang general ng hukbong braincells ko para kalkalin sa system nila ang alaala na binasa at ginawa ni Cosette ang lason.

'P--pfft! Mga kabaliwan mo talagang gaga ka! Magseryoso ka naman kahit ngayon lang, maawa ka naman sa sarili mo!'

"It's moderate and an eight, brother," sagot ko nang matagumpay kong maalala ang pangyayari.

Cosette's expertise in her poisons is categorized by percentage. It's through this system that she determines whether the poison is low-level, moderate, or dangerously potent.

Her mission is to create poisons that are half the strength of the existing 50 percent level poisons in this world. So far, the highest percentage she has achieved is 12 percent, which is still considered low-level. A moderate level falls between 20 to 40 percent, while it becomes dangerous when the percentage reaches 41 to 85. Levels from 86 to 100 are considered deadly.

A poison at the 50 percent level can kill a person within just 5 minutes. That's why Cosette wants to create a poison that is half that strength, capable of causing death within an hour or so.

Habang binabasa ko nga ang part sa nobela na iniisip ni Cosette ang tungkol dito ay pumasok nalang sa utak ko na mahirap kalabanin ang babaeng 'to.

She has no mercy. Gusto niyang gumawa ng lason kung saan unti-unti lamang na mararamdaman ng biktima ang epekto nito sa kaniyang katawan. In short, it's a form of torture!

"And you're aware of its effect on health, am I right?" tanong ulit nito na kinatango ko nalang. Yah! Mukha siyang tatay na pinapagalitan ang anak niya sa maling ginawa nito. Ganito kasi ako pagalitan ng daddy noong kabataan ko.

"You made me worried," buntong hininga nito bago nilakad ang kaunting distansya sa pagitan namin at niyakap ako. Nagulat ako sa ginawa niya. This is the first time na may yumakap sa akin na lalaki, bukod sa tatay ko.

But instead of feeling awkward or annoyed, I felt warmth. I suddenly felt the need for a hug, a hug from a family member. Bahagya kong inangat ang ulo ko habang magkayakap parin kaming dalawa para pigilan ang luha kong nagbabadya ng tumulo.

Geez, I guess I still have a soft heart. O baka feelings 'to ni Cosette na bigla na lamang lumalabas kahit hindi ko pahintulutan.

"I'm sorry," sinsero kong bulong dito bago kumalas sa yakap. Ngumiti ako sakaniya na halatang kinabigla pa nito. "Welcome home, Kuya. You've been gone for four days," sabi ko para maiwas sa nakakaiyak na ang usapan ang topic namin.

"I'll be leaving again. I need to help the twins with their business," sabi nito na nagpatango sa akin. "I'm glad you're fine now," buntong hininga nito.

"Don't tell me you came back here just to check if I'm okay?"

"Yes. Is there a problem?"

Napakurap ako. Although this man wasn't extensively mentioned in the novel, I still knew him from Cosette's memories. He had a close relationship with everyone. Despite being intimidating, he knew how to handle and communicate with others.

Prensley intended to pass on the Cromwell businesses to him, but he declined. Mas gusto nalang daw niya ang tumulong kesa siya mismo ang magha-handle. He loves travelling kasi dahil sa mga missions niya din as assassin.

"What about your business in Peltas? You left it solely to me when you could have just talked to me through text or call?"

"As I've said, I came back to help the twins," he clarified. "Oh, I remembered. You killed two maids and two Cromwell guards just this week?"

Oh oh. Mukhang galit siya. Bakit ba ako nalang palagi ang may kasalanan? Hindi naman porket nakikita nilang masama ang ugali ni Cosette ay puwede na nilang i-judge na kaya nitong pumatay!

Yumuko nalang ako para maiwasan na sagutin ang tanong niya. Alangan namang sabihin ko ang totoo, 'di ba? Hindi naman porket walang bias ang lalaking ito sa magkakapatid ay maniniwala na ito kaagad sa akin.

"Are you angry?"

"Do you want me to?" he asked na kaagad ko namang kinailing, nanlalaki pa talaga ang mga mata.

Iba kasi magalit ang lalaking 'to. Ang sakit ng mga salitang lumalabas sa bibig niya. Sobrang honest kasi nito kaya kapag nagagalit ay talagang nakaka-offend ang mga sinasabi.

"Then go now." Sabi ko nga aalis na ako.

Yumuko ako at mahinang nagpaalam. Pero dahil nga ako si Alora na may trust issues ay naningkit ang mga mata kong napatitig sa mukha nitong seryoso na naglalakad patungo sa study table niya dito sa loob ng kaniyang kuwarto.

I started walking away, but backwards. Naglalakad ako patalikod, hindi inaalis ang titig sakaniya na ngayon ay may ginagawa na sa kaniyang laptop.

Malay ko bang atakehin siya sa sakit niyang pagiging tarantado tapos bigla nalang akong barilin habang nakatalikod ako't hindi handa, 'di ba?

I should not underestimate even the minor characters of this novel. Iba ang takbo ng mga utak nila kesa sa normal na mga tao. Ginawa ba naman sila ng siraulong author, imposible talaga na matino sila.

"What are you doing?"

Nagulat ako nang bigla siyang bumaling ng tingin at magsalita kaya kamuntikan na tuloy akong matumba. Good thing ay malapit na pala ako sa pinto. Kinakabahan na sumandal ako sa pinto habang nakikipagtitigan sa malamig niyang mga mata.

"Just being cautious," sagot ko na tama lamang para marinig niya. Habang nakaharap sakaniya ay pinihit ko ang doorknob. Hinahanda ko lang ang sarili sa pagtakbo palabas.

"Why?" malamig nitong tanong.

Napansin kong parang may binubunot ito sakaniyang gilid kaya pabigla kong binuksan ang pinto dahilan para matigilan kaming dalawa. Pilit naman akong napangiti.

"For safety purposes," mabilis kong sagot bago nagmamadaling lumabas.

Nagulat pa sa akin si Phobi na mukhang kakatok palang sana. May dala siyang tray na may snacks at drinks. Napangiwi ako dahil bigla akong nakaramdam ng gutom.

Bakit ngayon lang siya dumating? Naku, hindi naman maaaring bumalik ako sa loob para lang makikain pagkatapos ng nakakahiyang ginawa ko ngayon lamang.

"Young Miss?" naguguluhan nitong tanong nang senyasan ko siyang pumasok.

Tinuro ko ulit ang pinto. Ilang minuto pa ako nitong tinitigan na para bang seryoso niya talagang ini-interpret ang mga kilos ko. After a minute ay tumango naman ito bago pumasok.

Habang naghihintay na may mabasag na bagay sa loob ay bumalik ako sa malalim kong pag-iisip.

Aino holds the rank of Captain in the military, specifically ranking third among all the Captains. Being ranked third places him higher in rank compared to other Captains, as the ranking of Captains only goes up to the third position.

On the other hand, Dino serves in the Air Force and holds the second rank in the Air Force's rank abbreviation. He is one of the Majors, and while he may not be the highest-ranking Major, he is respected and feared by his fellow servicemen.

As for Sebastien Lyr Cromwell, he is not part of the military. He is renowned as an assassin, although no one knows his true identity as the well-known assassin named BlackJack.

Nakakatawa talaga ang assassin name ng lalaking 'yon pero iyon ang sinulat ng tarantadong author kaya wala akong comment.

Lyr is one of the class S assassins in the guild he belongs to. Kaya naman kasama siya sa mga assassins na pinapadala all around the world to kill important people o iyong mga taong may matataas na katayuan sa buhay na gustong ipapatay ng mga kaaway nila.

Pinapatay nila Lyr ang mga iyon without valid reasons. Ang tanging rason lamang ay dahil utos ng client nila. Ni hindi nila hinihingan ng rason ang mga clients nila, basta gagawin nila ang gusto ng mga ito tapos ay malaking halagang pera na kaagad ang matatanggap nila.

Isa pa, kasapi din ng Cromwell mafia organization ang isang 'yon. That person serves as Prensley's right-hand in the organization. He is actually more skilled than the twins, but he seldom focuses on the mafia affairs.

Given these facts, I should indeed be cautious around them. Kahit pa sabihing kapatid sila nitong ni Cosette, hindi parin ako puwedeng magtiwala sa kanila.

Both Lyr and the twins have serious and intimidating personalities. Kaya nga wala akong nakikitang kahit isang nilalang na naglalakad dito sa third floor. Kami lang talaga ang humihinga dito.

Bukod sa twins at kay Lyr, ang nasa mataas na posisyon lang din ng pamilyang Cromwell o ng iba pang pamilya na bibisita sa mansion ang maaaring tumapak sa third floor. Ibig sabihin sila at ang mga iba pang nakatatanda lamang ang puwedeng magtagal doon. They value their privacy and space, I guess.

The butler can go up there too, but only with permission from Lyr, the twins, the patriarch of the Cromwell family, Prensley Weston Cromwell, and the grand patriarch of the family, Vice Admiral of the Marine Corps, Vice Admiral Marshall Danti Cromwell (also known as Sir Mati). He is in the highest position in the Marine Corps.

Hindi naman halatang makapangyarihan ang pamilyang Cromwell, 'di ba? Kaya nga mabilis kaming umaangat kahit pa sobrang laki ng binagsak ng pamilya matapos mawala sa focus si Presley nang mamatay ang nanay ni Cosette.

Disappointed ako nang pagkalabas ni Phobi ay wala akong narinig na nabasag. Pinilig ko nalang ang ulo ko tsaka nakisabay sakaniya pababa.

"Samahan mo akong maglibot sa city."

***

"Young Miss, where do you want us to put this?" Natigil ako sa pag-utos ng dapat gawin dahil sa narinig ko mula sa isang elite guard.

May dala siyang medyo may kalakihan na kahoy, pinagtutulungan nila iyon ng isa pang elite guard. Bukod sakanila ay may kasama pa silang labing dalawang elite guards na may dala din na mga mahahabang kahoy.

"Sizes?" tanong ko kaagad sa mga ito. Tinitingnan ko lang kung talagang sinukat nila o kinuha lang ba nila ang kahoy sa tabi-tabi.

"Ayon sa utos mo, Young Miss, kumuha kami ng siyam na malalaking kahoy. Ang apat ay umaabot sa habang 7 feet at ang ibang apat naman ay may habang 5 feet. Habang ang isa naman ay may habang 2 meters, 6.6 feet," report sa akin ng isa na parang sundalo ang tindig. Y--yikes!

Tumango nalang ako. I am satisfied with how the elite guards work. Sinunod talaga nila ang details na sinabi ko sakanila kanina. Siguradong kakausapin ko si Prensley na bigyan sila ng bonus matapos nito.

"Put them together first and come to me after. I'll discuss with you what you need to do," sabi ko.

Sa hitsura ko ngayon ay parang ako ang commander na inuutusan ang kaniyang mga subordinates na tahimik naman akong sinusunod. Cuties~

Tinatanong niyo siguro ngayon kung bakit ako nandito sa labas ng regencia kasama ang mga tauhan ng Cromwell gayong ang plano ko naman talaga ay lumabas at mamasyal sa city.

Well, kanina when I told Phobi na samahan niya ako sa paggala, seryoso niya akong tiningnan. Para bang nagtatanong siya sa sarili niya kung tama ba ang desisyon na ginawa niya akong amo niya. Siguro tanga na ako sa pananaw ng babaeng 'yon.

Matapos niya akong titigan ng ilang minuto ay poker face niyang sinabi sa akin ang mga katagang, "You must be forgetting that you're under probation, milady. You still have three days left."

Probation my ass! Tsk. Mabuti nalang sanay akong grounded nalang palagi. Ang problema lang ay walang games sa cellphone ni Cosette.

Puro social media at mga apps na ginagamit niya lang naman to stalk that fucker man. Aanhin ko ang mga 'yon aber?

Kaya naman kesa mamatay ako sa boredom, lumabas nalang ako dito. Balak ko lang sanang magpahangin, pero nakita kong masyadong working hard ang mga tauhan sa regencia na 'to kaya sinubukan ko ang mga galing nila.

"Young Miss, okay na po ba 'to?"

I approached her and took hold of the cloth. I nodded in approval, and she smiled. Earlier, she had brought the wrong fabric, so I sent her back inside the mansion to look for the correct one.

Judging by the sweat and exhaustion on her face, it seemed like it was indeed difficult to find the fabric she brought now. Isa pa, mabigat ito compared sa ibang tela dahil makapal. I will surely give her a bonus as well!

'Heh! Kung makapagsalita kang gaga ka parang ang dami mong pera ah! Tumigil ka nga sa kakasabi ng bonus kasi broke ka!'

Well, sa ngayon. Sa isang gabi lang at isang pindot lang magiging instant milyonaryo na ako kaya naman mas mabuting maging humble na muna ako ngayon. Pfft hahaha!

Nagpatuloy ako sa pag-utos ng mga kailangan nilang gawin. May ibang individual na nagtatrabaho habang ang iba nama'y by group kasi hindi kaya na isa lang ang gagawa.

Mabuti nalang pumayag ang mga ito sa utos ko. I look at their faces and let out a small smile. I can see that they're enjoying themselves as well.

This must be the first time na gumawa sila ng ganito. Puro training gamit ang iba't ibang armas lang kasi ang ginagawa ng mga guards, habang paglilinis naman ang palaging ginagawa ng mga kasambahay.

And now they're even having small talks with each other, as if they're long time friends. Ang iba ay nakita kong nakikipaglandian, pero ang iba ay bakas naman na gusto lang makipag-usap para makipagkaibigan.

"Young Miss," sabay-sabay na bati ng mga Cromwell guards na inutusan kong kumuha ng kahoy. Yah! Ang ganda ng mga katawan, ang lalaki ng mga braso! Ahem! Focus!

"Come closer, hindi ako nangangagat," pigil tawang sabi ko sa mga ito. They look stiffed earlier and now they're red like a tomato. Napailing nalang ako nang makalapit sila pero may space parin sa pagitan namin. "So here's what you are about to do..."

Pinaliwanag ko sa mga ito ang gusto kong mangyari. Seryoso naman silang nakatitig sa drawing ko. Narinig ko pa nga ang isa na tinatanong kung ano ba ang nasa papel kasi 'di daw niya maintindihan.

Napatikhim tuloy ako bago nagpatuloy sa seryoso kong pagpapaliwanag.

Alam ko namang pangit ang drawing ko pero kailangan pa ba talaga niyang itanong at ipamukha sa akin na hindi niya maintindihan?! Kung gumaya nalang kaya siya sa mga kasama niyang seryosong nakatitig ngayon sa papel as if navi-visualize talaga nila ang nakaguhit dito.

"Now move!" maotoridad kong sabi nang matapos ako sa pagpapaliwanag ng mga dapat nilang gawin. May kasama pang palakpak para malaman nilang time is running. P--pfft haha!

"Whoa! How did Young Miss come up with this? She's amazing!"

"You're right! It's like she's Lord Prensley giving us orders right now! Geez! Even though she may not have any knowledge of fighting, it's undeniable that she's a Cromwell!"

"Namana niya siguro ang pagiging authoritative sa kaniyang ama"

"This is so much fun! It's like we're just playing, but at the same time, we're learning new things!"

"Yeah, you're right. We usually just practice, but we're never taught anything like this."

"Malamang kasi hindi naman tayo mga sundalo!"

Napalingon ako kay Phobi na paparating sa puwesto ko ngayon, hindi na pinansin pa ang usapan ng papalayong mga guards. Anong kinalaman ng mga sundalo sa pinapagawa ko sakanila, 'di ba?

May dala siyang dalawang malaking bag na alam ko na ang laman. Parang balewala lamang sakaniya ang bigat ng dalawang bag. Malakas talaga ang babaeng 'to.

"Ito na po ang mga kailangan mo, milady," poker face nitong sabi bago nilapag sa harapan ko ang dalawang bag. Napansin ko pang pasimple niyang hinilot ang dalawang braso.

Akala ko lang pala na balewala sakaniya.

"You can take a rest, Phobi," suhestiyon ko na mariin niyang inilingan.

"I can't just rest while all of you are working here, including you, milady," seryoso nitong sabi na kinatango ko nalang. Yah! Masyadong devoted sa trabaho niya kaya wala na akong magagawa.

"Young Miss! What are you doing?!"

∞∞∞∞∞

📖📌 Hello, folks! If ever na may mabasa kayong typos or grammatical errors, you can kindly comment it down and I'll try na ayusin kaagad. Thank you, mwaps! (⁠ ⁠˘⁠ ⁠³⁠˘⁠)⁠♥

Share This Chapter