Chapter Nine
Firefighter Transmigrated into the Mafia Boss' Foolish Daughter
FTMBD
"Young Miss! What are you doing?!"
Lahat ay sabay na napatigil sa mga kaniya-kaniya nilang ginagawa nang marinig namin ang malakas na sigaw na iyon mula sa kung saan. Sa sobrang lakas nga ay parang gumamit pa yata ng megaphone.
Mula sa likuran ko ay nakita ko ang nanlalaking mga mata ng butler habang isa-isang tinitingnan ang mga estudyante ko. Lahat sila ay nakatingin din pabalik kay butler Wan. Takot talaga ang mga kasambahay sa lalaking 'to dahil malakas ang kapit niya sa patriarch ng Cromwell.
Halos sabay din itong lumingon sa akin. Tinanguan ko sila kaya wala silang choice kundi ang balewalain ang presensya ng butler at ipagpatuloy ang inuutos ko sakanila.
Dahil doon ay bumaling sa akin ang seryosong mukha ng butler. "Young Miss, are you forgetting that you are under probation?"
Ngumiti naman ako. "I don't."
"Then stop this ruckus and go back to your room, Young Miss."
"I can't, butler Wan. You see, we're already almost done. I can't just tell them to stop after doing those efforts," malumanay kong sabi, as if concern ako sa paghihirap nila ngayon.
"Unti-unti mo ng pinapakita ang demon side mo, gaga! Kalmahan mo muna, baka atakehin sa puso 'yang butler na kaharap mo!"
"But you are still under probation, milady," mariin nitong sabi na nagpatango sa akin.
"I know, I know. That's why I am doing this inside Cromwelll's manor. Look! That's why nandito kami ngayon sa front yard ng regencia at never lumagpas sa gate. Kaya hindi mo masasabing lumabag ako sa probation. Am I correct, butler Wan?" I smiled innocently at him para hindi naman halatang inuuto ko siya ngayon.
"But if your father and brothers learn about this--"
"You don't have to worry about them, butler Wan. Please be at ease as I am doing this because of them," nakangiti ko paring sabi bago tiningnan ang progress na ginagawa ng mga estudyante ko ngayon.
Nasa likod pa talaga ang mga kamay ko na para bang feel ko talaga ang pagiging superior ko kuno. Yikes! Sa hitsura ko ngayon ay para talaga akong professor na striktong pinagmamasdan ang mga estudyante ko kung sinusunod ba nila ang tinuro ko sakanila.
"What do you mean, Young Miss?"
"Oh? I am planning to wait for them until evening." Hindi ko na pinansin ang gulat nitong ekspresyon dahil napasigaw nalang ako nang makita ang maling posisyon ng paglalagay nila sa kahoy.
Lumapit ako sa mga Cromwell guards at sinabihan sila kung saan nila dapat iyon i-puwesto.
We are trying to make an improvised tent right now. Siyempre kasama ako dahil ako ang nag-isip at nagmamando sakanila. Hehe.
The improvised tent that I told them to make is a hut-style tent with an average height of 1.8 or 2 meters and a size of 40 square feet.
Napili kong style ng tent ko'y hut-style since mas maluwag ito compared sa ibang design ng tents. Ang pababang pader and higher peak nito ay mas magbibigay ng mas malaking space sa loob, that makes it easier to move around.
Bukod doon ay marami pang benipisyo ang design na ito na mayroon din naman sa iba. Ang dahilan ko talaga kung bakit hut-style ay nakakaakit sa mata ang desinyo nito. Para itong isang tradisyonal na hut or cabin, iyong kubo na dating bahay ng mga sinaunang tao.
Tama ba ang impormasyon ko? Yah! Bahala na.
Since kailangan nasa flat area kami, nandito kami ngayon sa front yard ng mansion. Malayo ang Cromwell villa regencia sa mga kabahayan kaya naman peaceful parin kami sa ginagawa namin dito ngayon.
Kung may bisita lang na pupunta dito ngayon, siguradong magtataka sila kung bakit may naglalaro ng bahay-bahayan dito.
Dahil malinis naman na ang lugar na ito ay hindi na kami nahirapan pa at diretso na kami sa paggawa ng tent. Luckily ay may mga gamit pala sa loob ng storage room. Ginagamit daw kasi ito sa pag-aayos ng cabin nilang mga guards if nasisira.
Since nakahanda na ang aming 4 main poles, 4 side poles, and 1 ridge pole, ay ang kailangan nalang naming gawin ay itusok ito sa lugar na dapat siyang itusok.
'A--ahem! Maling tusok na naman ang nasa isip mo, gaga! Mag-focus ka, 'wag kang mag-iisip ng kung ano-ano!'
Now they are planting the main support poles firmly into the ground in each corner of the tent area. This is just to make sure na sakto ang spacing and stable ang tent na gagawin nila. Ang main poles ay may habang 7 feet.
Napansin kong nakatingin sa akin ngayon ang mga elite guards na para bang tinatanong kung tama ba ang ginagawa nila. Tumango naman ako. Nakapamewang na lumapit ako sa puwesto nila nang makita kong hawak na nila ang kahoy na may habang 6.6 feet or 2 meters.
"Place the ridge pole horizontally on top of the main support poles... Right, that's right! The poles should be connected. Very good! Make sure it is secured and centered," seryoso kong sabi habang pinagmamasdan ang ginagawa nila.
"Understood, Young Miss!" sabay nilang sigaw bago bumalik sa ginagawa nila.
"Remember that the side poles should be positioned vertically along each side of the tent. And again, it should be connected to the main poles. Siguraduhin ninyong tama ang spacing ninyo para secured ang pagkakagawa."
"Yes, Young Miss!"
Napangiti ako tsaka napatango. I told one of the elite guards to be in charge sa ginagawa nila kasi kailangan ko pang kumain. Yah! Nakalimutan kong kumain ng tanghalian. Masama pa naman ako kapag gutom.
"Milady, the food is ready. You are an hour late to your usual eating time for lunch," detailed na sabi sa akin ni Phobi na naga-ala secretary ko yata ngayon.
Nakalimutan ko kasi nag-enjoy ako, okay?!
***
Third Person Point of View
Mula sa kabilang linya, clear na naririnig ng kambal ang kanilang kapatid na babae na parang isang nakakatakot na leader na minamanduhan ang kaniyang mga grupo sakanilang mga gagawin.
Ang mas nakakamangha pa dito ay ang knowledge nito sa paggawa ng improvised tent na wari ba'y nakagawa na siya nito noon, kahit pa alam ng kambal na ni minsan hindi ito lumalabas kung wala namang kinalaman sa First Young Master ng Flauntleroy.
"Young Master, would you like me to stop her now? She's also late for her usual lunch time, which is unusual since she is strict on herself." Ngayon ay ang boses naman ng butler Wan ang kanilang naririnig sa kabilang linya.
Kagaya ng sabi ni butler Wan, OG Cosette is really strict sa kaniyang sarili. She wanted to maintain her sophistication and wanted to maintain her body.
Ginagaya niya kasi ang magandang hugis ng katawan ng babaeng Glenn, ang babaeng nakakuha sa atensyon ng kaniyang lalaking matagal ng gusto.
Kanina pa tahimik ang kambal habang mataman na pinapakinggan ang nasa kabilang linya. Ang isa ay nakaupo sa edge ng kama habang malamig ang mga tingin na nilalaro ang kaniyang hawak na punyal. Ang isa naman ay nakasandal sa pader na malapit sa pinto ng banyo at seryosong nakakrus ang mga braso.
Ang dalawa'y parehong walang saplot sa itaas. Kakatapos lamang maligo ni Aino nang may tumawag sa kaniyang cellphone. Nagbibihis naman si Dino pero tumigil muna nang marinig na tungkol ito kay Cosette.
"Young Masters?"
"Let her do what she wants. Tell her we will be back tomorrow," seryosong sabi ni Aino tsaka pinunasan ang kaniyang basang buhok.
"What?! I--I mean... Ahem! You will be back tomorrow, Young Masters?"
Natigil sa pagpupunas ng buhok si Aino nang marinig ang nauutal na butler. Tumaas ang kaniyang kilay at kinuha ang cellphone para kausapin ito ng mabuti.
Iniisip ni Aino na baka may ginawa na namang kalokohan ang kapatid habang under probation ito, bukod siyempre sa paggawa nito ng tent na sadyang nakakagulat at nakakamangha kung iisipin.
"What's the matter, butler Wan?"
"I--It's just that..." Napalunok si butler Wan. Sobrang lapit kasi ng boses ng Young Master at ramdam na ramdam niya ang seryoso nitong aura ngayon.
Kunot na kunot na ngayon ang noo ni Aino at magtatanong na sana ulit nang kunin ni Dino ang cellphone mula sa kaniya. Ngayon ay pareho na silang nakatayo at may suot ng damit si Dino. Sinenyasan niya si Aino na magbihis na tsaka siya na ang kumausap sa butler.
"What is it?" malamig nitong tanong. Sa sobrang lamig ay nanginig ang nakarinig nito sa kabilang linya.
Butler Wan is already in his 60s. 29 years din siyang naninilbihan sa mga Cromwell, halos kalahati ng kaniyang edad. Naabutan pa niya ang nakakatakot na Gen Mati na isang titig lang ay mangangatog na ang iyon mga tuhod.
Nang maisipan nitong bumukod nang mamatay ang yumaong asawa ay naiwan naman dito ang kaniyang anak na si Prensley na siyang patriarch ng pamilya ngayon.
Ang lahat ng nagtatrabaho kay Prensley ay natatakot sakaniya dahil alam nilang lahat kung gaano ito kademonyo.
Kahit na gano'n ay kaya pang maging kalmado ni butler Wan sa harap nito kahit pa galit ito. Pero sa harap ng kambal ay hindi malaman ni butler Wan kung bakit nanginginig ang kaniyang mga tuhod. Lalo na sa mga titig nitong nakamamatay.
Kaya pa niyang makipag-usap kay Aino sa mas kalmadong paraan kesa sa lalaking kausap niya ngayon.
Sa sobrang lamig ng aura ni Dino ay walang may gustong makipag-usap sakaniya. Para bang isang maling salita na lumabas sa bibig nila ay mamaalam na kaagad sila sa mundo.
"T--The Young Miss said that she'll wait for you outside until you arrive. S--She... Ahem! She said that she made the tent so that she can wait for your arrival outdoors, Young Master," kinakabahan na sabi ni butler Wan.
Kahit anong pagpapakalma niya sa sarili ay nanginginig parin talaga ang kaniyang mga kamay at hindi parin niya maiwasang mautal kapag ito ang kausap niya.
Iba ang dating nito, mas nakakatakot pa kesa sa kanilang ama. Pero mas ayos na itong kausap kesa naman iyong nakatatandang kapatid. Mas nakakatakot pa iyon kesa kay Gen Mati!
Nang marinig ni Dino ang sinabi, wala siyang ibang nagawa kundi ang mapabuntong hininga na lamang. Binigay ni Dino kay Aino ang cellphone nito tsaka bumalik sa puwesto niya kanina, nakaupo sa edge ng kama at nilalaro na naman ang punyal.
"Watch her for now. Don't let her do something that requires physical strength," tanging sabi ni Aino sa butler na nakahinga na ngayon ng malalim. Kaagad siyang sumang-ayon kay Aino na ngayon ay binaba na ang tawag.
Kung naririnig lamang ni Cosette ang sinabi na iyon ni Aino, siguradong magugulat siya. Baka nga hindi pa siya maniwala na nanggaling kay Aino ang mga salitang 'yon.
Hindi man halata, mapagmahal sa mga kapatid si Aino. Ngunit may mga pagkakataon talaga na nakakasakit siya physically sa tuwing sumusobra na ang mga ito. Sa isip kasi ni Aino, force is seen as an effective method to discipline a rebellious person.
Hindi lang naman si Cosette ang nakatikim ng kaniyang sampal, pati narin si Magdalena.
Iyon nga lang, mas maingat siya kay Magdalena dahil alam nilang may sakit ito sa puso. Tsaka mahal na mahal ng kanilang ina ang babaeng iyon kaya hindi nila ito basta-basta na napapagalitan, hindi kagaya ni Cosette na kayang saluhin lahat.
At least iyon ang paniniwala nila.
"She's getting weirder, don't you think?" seryosong tanong ni Dino habang nakatitig sa hawak na punyal.
"She's smart, Atticus," sabi ni Aino na hindi din sigurado sa sariling sinabi. Alam niyang tama ang sinabi ng kambal, na mas lalong naging weirdo ngayon si Cosette.
Naisip narin nilang dalhin ito sa isang doktor, baka sakaling magtino ito. Baka kasi totoo talaga ang sinasabi ng kanilang ina na kailangan ng medical attention si Cosette tapos binabalewala lamang nila.
"Smart, you say?" nakakatakot na sabi ni Dino bago tinapon ang punyal na saktong tumama sa peephole ng pinto.
Sa labas naman ng pinto ay ang nanlalaking mata ng lalaking nakasuot ng overall black.
Kamuntikan lang namang tumama ang punyal sa kaniyang mga mata! Kinakabahang napalayo siya sa pinto. Balak lang naman niyang silipin kung tama ba ang narinig niyang nandito ang sikat na Cromwell twins.
Pero sa nangyari ngayon lamang, sigurado na siya. Nandito nga sila!
***
Cosette POV
"How long have they been working, Phobi?" kaagad na tanong ko kay Phobi na pinaiwan ko dito sa labas habang kumakain ako. Sinadya ko talagang bagalan ang pagnguya at paglunok dahil tinamad ako bigla.
Inutusan ko kasi si Phobi kanina na orasan ang pagtatrabaho nila. Alam ko naman kasing matatagalan sila since bago lamang sila sa ganitong trabaho. Hindi sila mga professional tent maker, okay?!
May gano'n bang term? Pauso ka talaga, Alora!
Ang usual na time na require sa paggawa ng hut-style tent ay nasa around 3-4 hours. It depends on the manpower, their knowledge of materials, and their skill as workers. Of course, since it requires manpower, they should also have teamwork to finish quickly.
Estimated time ko na matatapos sila ay 6-7 hours since all of them are beginners sa ganitong gawain. Kahit pa gaano kayo karami pero hindi kayo pamilyar sa ginagawa ay siguradong matatagalan kayo.
"It has been 3 hours since you went inside to eat, milady. In those 3 hours, they haven't finished with the poles yet," seryosong report nito sa akin na mukhang sineryoso at kina-career na talaga ang pagiging secretary ko kuno.
Tama ba ako ng rinig? 3 hours?! Gano'n katagal akong nakatulala sa dining room?
Well, kung wala lang talaga akong ginagawa ngayon, baka nakahilata narin ako sa kuwarto ni Cosette. Bigla kasi akong inatake ng katamaran habang nakatulala sa mga pagkain kanina.
I nodded and crossed my arms as I observed their progress. Once again, I nodded in approval upon seeing it. They were doing well. Magaling! Not bad for beginners like them.
As for the household staff, I had already let them in earlier as they had finished their tasks. Pinagawa ko lang naman sila ng maliit na mesa tsaka pinagbunot ng mga halaman sa paligid. Iwas lamok lang kahit alam ko namang kahit anong iwas ko'y susunod sila sa akin dahil dyosa ako.
'Heh! 'Wag kang mag-alala dahil kahit dyosa ka walang papapak na lamok sa 'yo, ang pait ba naman ng dugo mo, kasing pait ng budhi mo! P--pfft hahahaha!'
"Young Miss, maupo na po muna kayo," nakangiting sabi ng isang Cromwell guard habang minumuwestra sa akin ang bangko na kakalapag lamang niya sa lupa. Saan naman kaya niya ninakaw 'yan?
"Thank you!" I replied with an angelic tone, causing the elite guard to blush.
Nangunot naman ang noo ko. May sakit ba sa siya at bigla nalang namumula? Baka naman sa sobrang ganda ko kaya siya namula ng ganiyan? Sigh, I'm getting too thick skinned lately.
"Uhm... G--gusto niyo po bang hilutin--. A--alis na po ako, milady! Nakalimutan kong may gagawin pa pala ako. Salute!" natatakot na sabi nito bago nagmamadaling tumakbo palayo.
Naguguluhan ko namang nilingon ang babaeng nasa likuran ko. Masama ang titig nito sa papalayong pigura ng lalaki. Sa tingin niya nga ay parang may ginawa ang elite guard na 'yon na hinding-hindi niya mapapatawad.
Mahina nalang akong napatawa tsaka napailing. Natakot siguro ang guard sa klase ng tingin niya kaya ayon tumakbo palayo.
I returned my gaze to the hardworking guards and couldn't help but smile when I saw that they had finally finished.
We now had a basic frame of the tent, with the main support poles, side poles, and ridge pole in place. They were currently adjusting the positioning and tightening the connections as needed.
"Whoah! Now, it looks nicer than earlier," narinig kong kumento ng poker face na si Phobi. Hindi ko tuloy malaman kung totoo ba ang sinasabi niya o nagbibiro lang siya.
Indeed, it does look nice. Nalagyan na nila ng blanket ang frame ng tent na nagawa nila. Sakto lamang ang laki ng blanket to cover the top and sides of the structure.
I was pleasantly surprised that they even followed the gap I had indicated in the drawing for the entrance. I had forgotten to mention it to them earlier.
These Cromwell guards are proving to be smarter and more skilled than I initially expected. Great!
Now, they are securing the covering. They're using ropes to tie down the corners of the covering to the main support poles. Sinigurado muna nilang mahigpit at maayos na itong nakakabit bago nila sinimulang lagyan ng mga bato ang bawat pisi para mas stable ito.
Napatayo ako sa kinauupuan at excited na lumapit. Umikot ako sa tent para tingnan ito. And I'm in awe of how well-made it is, considering na mga baguhan lamang sila sa paggawa nito. Malawak akong ngumiti sa kanila bago sila pinalakpakan.
"Y'all did a very great job! Expect that I will give you all a bonus!" masayang sabi ko sa mga ito na ngayon ay may proud at masayang hitsura. "Thank you for your hard work, everyone, and you may now take a rest!" muling sabi ko na kaagad nilang sinunod matapos akong bigyan ng saludo.
Nang mawala na sila sa paningin ko ay kaagad akong bumalik kay Phobi na dala na pala ang dalawa kong bag. "Time?" I ask her while entering the tent.
My smile widened. I didn't have high expectations since I knew this wasn't part of their training. This was their first time making an improvised tent, so it truly amazes me to see such impressive results.
Kinuha ko ang blanket na nasa loob ng isang bag tsaka nilatag ito sa ground. Malaki ito at makapal kaya mabigat. Hindi naman ako nahirapan dahil nakaalalay naman sa akin si Phobi. Sunod ko namang nilabas ay ang dalawang unan tsaka kumot.
"As you've estimated, milady. They finished exactly in 6 hours and 34 minutes," she said with a wide smile, as if she idolized me now.
Phobi is being overly enthusiastic. I didn't even mention a specific time. I just told her that they would finish within the estimated time of 6-7 hours, for some reason that I didn't disclose to her. Baka mas lalo lang siyang mamangha eh. Hahahaha!
"Good. Now get a small table for me, please," I replied.
âââââ
ðð Hello, folks! If ever na may mabasa kayong typos or grammatical errors, you can kindly comment it down and I'll try na ayusin kaagad. Thank you, mwaps! (â â Ëâ â ³â Ëâ )â â¥