Back
Chapter 9

Chapter Seven

Firefighter Transmigrated into the Mafia Boss' Foolish Daughter

FTMBD

Tama ba ang narinig ko o guni-guni ko lang? Anong papatayin niya ang Young Miss ng mga Glenn? Mas siraulo pa pala sa 'kin ang lalaking 'to, eh.

Alam kong mas nakakaangat kami kesa sa pamilyang 'yon, pero knowing na may kapit ito sa pamilyang Flauntleroy ay hindi magandang idea na banggain namin sila ng padalos-dalos.

The Flauntleroy family has surpassed the Cromwell family in social standing. In the past, the Cromwell family used to be in a higher position compared to the two families.

The patriarch of the Flauntleroy family is a close friend of the patriarch of the Cromwell family. That's why they arranged for Cosette to be betrothed to the eldest child of the Flauntleroy family.

When the beloved mother of the Cromwell family patriarch passed away, ilang buwan na bagsak ang stock prices ng kompanya. Hindi kasi makapagtrabaho ng maayos ang patriarch ng pamilya dahil sa pagluluksa niya sa kaniyang ina.

Sobra talaga magmahal ang lalaking iyon. Hindi kaagad nakakalimot. Iniiyakan niya talaga. Mabilis siyang maapektuhan.

Mabuti nalang nagawan pa ng paraan. Pero dahil sa nangyari, the Flauntleroy family invalidated Cosette's engagement with their eldest child because they have achieved a higher social status than Cromwell.

Naisip siguro nila na wala na silang makukuhang benipisyo sa pamilyang Cromwell dahil sa pagbagsak ng mga ito kaya sisirain nalang nila ang pangako nila.

First Young Master of Flauntleroy, ha. Lihim akong napangisi. You're dead!

Kawawa ka naman, boy. Ako pa makakalaban mo.

"Y--you don't need to do that, big brother!" mabilis kong sabi. Sinamahan ko pa ng iling at hand gesture para talagang maniwala siya na ayaw ko kuno.

Kung ako lang ang papipiliin ay gusto ko din ang plano niya sa buhay. Sang-ayon akong patayin niya ang Glenn girl na tinutukoy nila.

Nag-offer na siya na siya na daw ang papatay, kaya mahirap talagang tanggihan 'yon. Ang kaso lang ay gusto kong ako ang gumanti. Babawi lang ako ng mga one percent.

"Really?" nakakatakot nitong tanong na sabay na kinalunok naming dalawa ng bata.

Oo, nakita ko pa talaga ang reaksiyon niya kahit pa ang titig ko ay nasa older brother. Gano'n ako ka-observant. Ahem! Ahem!

Kaagad naman akong tumango. Pinakita ko talaga na sincere ako sa sinabi kong 'wag ng patayin ang burikat, while making sure na cute ako sa paningin nila. Nagpapanggap lang talaga akong isang mabait na dyosa. Hehe.

Napailing nalang ako sa naiisip. Seryoso naman itong uminom ng tubig, pinag-iisipan siguro nito ang sinabi ko bago ito mabagal na tumango.

Maluwag na sana akong hihinga sa pag-aakalang okay na kami nang magsalita na naman ito na kinanginig ng kaluluwa ko.

"Then let me get another test subject for you," singit naman ng tatay nina Cosette sa usapan na mas lalong nagpakaba sa puso ko.

Anong 'let me get another test subject' pinagsasabi nito?!

"Oh, right!" Nabaling ang tingin ko sa bata nang sumang-ayon ito sa kabaliwan ng tatay nina Cosette. "It will be great if that Glenn girl will be your test subject but since you refused, we will find you a suitable one. Just wait a bit, alright, big sis?"

Why does he sound like he is the older one?! At bakit parang nagtunog bata naman ako na pinapaliwanagan ng nakakatandang kapatid na maghintay muna kasi ibibili niya din ako ng gusto kong laruan kapag may pera na kami? May mali talaga sa nangyayari ngayon.

Nilibot ko ang paningin ko sa mga nakahilerang maids. Kapansin-pansin ang panginginig ng mga ito sa kanilang mga puwesto. Ako lang ba o parang nagtunog psycho naman yata ako dahil sa pinagsasabi ng mga 'to?

Tsaka ano bang test subject ang pinagsasabi ng mga 'to aber?! Hinilot ko ang aking sentido. Mas gusto ko nalang yatang makipagtitigan at makipag-usap sa mga paperwork than talking to these two madmen.

I sighed. For now, I will just follow their conversation and go to the flow.

"No need for that, but thank you!" kunyaring masaya kong sabi habang may napipilitang ngiti sa labi.

Tumango lang naman ang mga ito bago nagpaalam na aalis na dahil may kaniya-kaniya pa silang aasikasuhin. Sabay pa talagang nagpaalam si Dino at si Prensley, kasama nila si Aino tsaka iyong bata. Mukha lamang iyakin ang batang iyon para kasali na talaga 'yon sa mafia ng Cromwell.

I wonder who will be their next target at kung sino ang ibibigay nilang test subject kuno sa akin kung sakaling pumayag man ako?

I am also thinking kung bakit may test subject silang nalalaman? Mukha ba akong mahilig sa experiments?

Wait... Oh shoot. Right! Why did I forget?

Sa sobrang genius nga pala nitong ni Cosette, nakagawa ito ng maraming poisons na nasa iba't ibang level! Bakit ko ba nakalimutan, eh, kakaisip ko lang nito noong nakaraan? Kaya nga siya natagurian na psycho dahil sa mga poisons niya.

Though hindi kasing galing ng mga kilalang geniuses sa mundong 'to, at least her poisons were still dangerous if taken with a high dosage. For example, ang kamatayan nga na nangyari sa kaniya kaya ako nandito.

I left the dining room after I finished my meal. Masarap ang kain ko ngayon kasi walang mga epal sa paligid. Tahimik lang kasi si Aino, sana sunod-sunod na nga, eh. Cross fingers.

Habang naglalakad ako palabas ng dining room, naramdaman ko na naman ang mga tingin nang mga maids na nakasunod sa bawat galaw ko. Mabuti nalang sanay na ako.

One week. It has been one week nang unang magising ako as Cosette. And it has been one week since I am the topic of all the workers inside the regencia.

Lahat sila ay nanibago sa pagiging kalmado ko. Lahat ng bad attitude ni Cosette ay biglang nagbago. Halimbawa, Cosette was a brat and throws tantrums kapag wala siyang makitang nakahandang mga gamit or maids sa gilid niya every time she wakes up.

Pero ngayon na ako na ang nasa katawan nito, hating the feeling na may nanonood sa bawat galaw ko, pinapaalis ko silang lahat. Ako ang naghahanda ng sarili kong gamit, ako ang nag-aayos ng sarili ko, at ako narin ang naglilinis ng aking kuwarto.

Ganito kasi ako noon pinalaki as Alora, dad and mom trained me to be independent. Lahat ng puwede ko naman daw gawin ay gawin ko kesa mamerwisyo pa ng iba.

Paulit-ulit kong sinanay ang sarili ko noon. Hanggang sa naging normal routine ko nalang ang mga basic na gawaing ito.

"Milady, your older brother had arrived and he wanted to see you. He said he'll wait in his room," magalang na sabi ni Phobi na bigla na lamang sumulpot sa tabi ko at poker face na naman.

"What do you mean? Didn't they go out for business just earlier together with Dad?" kalmado kong tanong.

"I'm not talking about your twin brothers, milady. It's the older brother, he had arrived from his business trip and wanted to meet you in his room."

Natigilan ako sa paglalakad tsaka mabilis na hinarap si Phobi na mukhang nagulat ko pa yata. Older brother? Iyon ba 'yong kapatid ni Cosette na close sakaniya dahil ito lamang ang may magandang trato sakaniya? Ngayon ko lang ulit siya naalala.

Pero bakit bumalik kaagad siya? Bakit maaga siyang umuwi? Ayon sa nobela ay matatagalan ito sa Peltas kung saan ang business trip nito at uuwi na may maraming bandages dahil sa mga sugat na matatamo nito sa ambush na mangyayari.

Sa pagkakatanda ko ang kapatid na iyon ni Cosette ay isang magaling na assassin. Kaya ito palaging umaalis ay dahil sa mga tinatanggap nitong mission sa guild na kaniyang sinalihan. Iyon ang business trip na palagi nitong sinasabi kay Cosette sa tuwing nagpapaalam ito sakaniya.

Oo, uso din ang guild at assassin sa mundong ito. Pinaghalo na ni author ang lahat ng nalalaman niya, hindi ko na tuloy malaman kung ano ang genre ng nobelang 'to sa totoo lang. Baka mamaya niyan bigla nalang may magpakawala ng fireball sa palad nila ah!

"Young Miss? Young Miss!" sigaw nito sabay alog pa talaga sa akin kaya nabalik ako sa kasalukuyan kong sitwasyon ngayon.

Y--Yah! Napatulala na pala ako ng hindi ko namamalayan. Napalalim ang pag-iisip ko sa kung bakit ang aga ng animal na 'yon. That is not supposed to happen!

Tumikhim ako. "Magbibihis lamang ako saglit, Phobi," kalmado kong sabi dito bago siya iwan na nakatulala doon.

Kinukuwestyon na ng babaeng 'yon kung gusto pa bang niyang manatili sa tabi ko. Aba'y paiba-iba ba naman ang ugali at reaksiyon sa loob lamang ng isang minuto, sinong hindi matatakot?

Tahimik akong pumasok sa kuwarto at naligo. Palagi nalang akong naliligo! Sa sobrang linis ng katawan ni Cosette, nahihiya na masamang budhi ng espiritu ko.

Habang nasa ilalim ng shower, naalala ko na naman ang mga katangahan ni Cosette sa nobela. Ayaw talaga akong tantanan ng mga kahihiyan niya sa buhay.

Kung gaano ako kaingat sa mga kilos at ginagawa ko noong ako pa si Alora ay siya namang kabaliktaran nitong bruhang 'to. Akalain mong hinahabol ang lalaking walang silbi sa nobela? Napailing nalang ako. Ang pangit na nga ng taste sa damit, pati ba naman sa lalaki ay pangit parin.

Walang kabuhay-buhay na tinitigan ko ang mga damit sa closet niya. Jusko. Pumasok tuloy sa isip ko ngayon na kahit hindi ako kagandahan noon bilang si Alora ay at least marunong akong manamit at maging desente kung kinakailangan.

May dugyot side din kasi ako, lahat naman siguro ng tao?! Kung wala kang dugyot side, ibig sabihin hindi ka tao. Tsk.

Habang walang gana na namimili ng damit ay bumagsak ang tingin ko sa isang puting box. Ayon sa alaala ni Cosette ay regalo ito ng kaniyang ama sakaniya noong 16th birthday niya. Pero dahil binago niya ang style niya, hindi na niya ito nagamit pa.

Naupo ako at binuksan ito. It's a simple blue dress na may cross straps sa back na part. In all fairness naman may pagka-moderno ang damit na 'to kesa sa mga damit ni Cosette. Medyo sexy din ito tingnan.

Okay, ito ang susuotin ko ngayon.

Napabuntong hininga nalang ako nang pagtayo ko ay nakita ko ulit ang sandamakmak na dresses ni Cosette. I need to get rid of this dresses to buy new ones. Iisa lang ang closet nitong si Cosette kaya hindi magkakasya kung bibili ako ng mga bagong damit.

Basi naman sa alaala ni Cosette ay wala namang significant value para sakaniya ang mga damit na 'to.

Binili niya lang talaga ang mga conservative dresses na ito para lang magpapansin sa lalaking ayaw nga sakaniya. Yah! Gumastos siya ng malaking halaga na pera para lamang sa lalaking 'di naman kasali sa important characters ng nobela.

Though kagaya nga ng sabi ko, maganda naman ang mga dresses na 'to. Pero gusto ko kasi sa buhay kong 'to ay masubukan naman ang lumandi. I mean, I died virgin, okay?! Kailangan ko ng maka-experience magkaroon ng lovelife, iyong dinidiligan!

'A--Ahem, ahem! Shit, nadulas ang isip ko! Bakit ba gusto mong madiligan, bruha ka? Ano ka halaman?!'

"Phobi!"

"Yes, milady?" mabilis nitong sagot nang makapasok ito sa silid. Naramdaman kong lumapit ito at tumayo sa likuran ko kaya tinuro ko ang mga damit bago siya nilingon.

"Sell these dresses. I don't want to see them on my closet pagbalik ko dito mamaya," seryoso kong utos na bahagya pa niyang kinagulat pero tumango naman kalaunan.

"Y--yeah sure, milady. Ano naman pong gagawin ko sa pera na matatanggap ko?"

Napangisi ako na kinalunok naman nito. "Hahatiin natin, ano pa ba?!"

Pagkatapos kong sabihin 'yon ay tinulak ko na siya palabas ng kuwarto para makapagbihis. Natulala na kasi siya dahil sa sinabi ko.

Ano bang inaasahan nitong isasagot ko? Kaya ko nga ibebenta para naman kahit papaano ay may personal money ako in case na kailanganin ko.

Napanguso ako nang maisuot ko na ang dress. Umabot nalang ito sa kalahati ng hita ko. Litaw na litaw tuloy ngayon ang maputi at makinis na hita ng bruha.

Sabagay, 19 na ngayon si Cosette. Paniguradong tumangkad siya ng sobra compared sa 16 years old self niya.

Nagsuot lang ako ng flat shoes since ayaw ko munang saktan ang mga paa ko ngayon. Sinuot ko lang talaga 'to para pair sa blue na damit kasi blue din ang kulay ng flat shoes.

Naglagay din ako ng konting accessories, silver earrings and necklace. Hindi na ako naglagay ng make up kasi tinatamad ako.

Pagharap ko sa salamin ay hindi ko maiwasang mapanganga sa babaeng nakatitig sa akin pabalik. Umikot ako para makita ang kabuoan kong ayos. Hindi ko mapigilan ang mapangisi nang makita ang repleksiyon ni Cosette sa salamin.

Ang ganda ng hugis ng katawan niya. Her face screams kontrabida pero ang smoothness ng skin niya ay nagbibigay ng impression sa mga tao na fragile siya.

Her hair is dark brown with curly ends na umabot ang haba sa kaniyang puwet.

She has a cute pointy nose.

Sharp cat eyes with the color of black.

Pantay na kilay at butterfly thick lashes na sobra namang nakakaakit tingnan lalo na kapag pinupungay ko ang mga mata ko.

And lastly she has natural red seductive lips. Sobrang manipis ang labi ng babae kaya kaunting kagat lamang dito sigurado akong magdudugo na ito.

'Y--Yikes! Why am I thinking something like that? Erase, erase. Innocent woman dapat muna ang atake ko ngayon'

Nilapit ko lalo ang mukha ko sa salamin. Ngayon ko lamang napansin ang mole nito sa kaliwang gilid na part ng kaniyang labi. Ang sabi-sabi noon sa lugar namin kung may nunal ka daw sa labi ay either habulin ka ng manyak o sadyang madaldal ka lang daw talaga.

Wala sa sariling bumaba ang tingin ko sa malusog na dibdib ni Cosette. Bigla akong nainggit. Gagi. Flat chested kasi ako noon bilang si Alora. Sa sobrang flat chested ko ay ang pader na namin sa bahay ang nahihiya sa akin.

I touched the mole I noticed in the middle of my chest. I remembered that I had one like this before. Kaya nga hindi ako naniniwala sa mga sabi-sabi. Ayon ba naman sakanila kapag may nunal daw sa dibdib ay either habulin ka ng mga lalaki o mabilis ka daw kinakabahan.

Neither of those things happened to me, so I confidently dismissed it as fake. Pero hindi naman lahat ng kasabihan hindi totoo. Kagaya nalang ng kasabihan na "kapag binato ka ng bato, batuhin mo din!" It's so realistic, isn't it?

A--Aish! Ano ba naman itong pinag-iisip ko? Kahit pera nalang humabol sa 'kin, ni hindi na nga ako kailangan pang habulin kasi yayakapin ko agad ng buong-buo! 'Wag na 'yang mga lalaki, stress lang 'yan sa buhay ko.

Ngayon na tinititigan ko ang kabuoan ni Cosette sa salamin, masasabi kong makapal ang mukha ng lalaking 'yon para ipahiya ang babaeng 'to. Aba'y kung ikukumpara ko naman ang beauty nilang dalawa, dapat nga siya ang naghahabol sa dyosang 'to.

Siguro ayaw lang talaga ng lalaking 'yon kay Cosette. Or humahakot lang din siya ng atensyon sa tulong ng bruha. Yah! Makita ko lang ang lalaking 'yon ay sasapakin ko talaga siya. Alam ko namang kasalanan din ni Cosette, pero tama ba namang tratuhin ng gano'n kalala ang babae?

Habang naglalakad kami ni Phobi sa pasilyo ng second floor para puntahan ang kuwarto ng older brother ni Cosette ay malalim parin ang iniisip ko.

Iniisip ko ang trato ng mga male leads sa babaeng 'to. Sa book 2 pa naman 'yon kaya medyo chill pa muna ako ngayon. Malayo pa ang mga exciting parts ng nobela kaya mas mabuting 'wag ko munang masyadong isipin ang mga bagay na 'yon.

Sa book 2 na kasi nasama sa nobela ang kambal, kasama na doon si Cosette. Kaya habang hindi pa ako kasali sa kuwento, magsisimula na akong magplano. I need to get ready.

We walk in silence until we reach the room. Phobi stood on the side, hinihintay akong kumatok sa pinto. Huminga muna ako ng malalim before knocking. After several minutes of waiting ay wala parin akong nakuhang sagot.

Is he still inside? Baka naman nagpunta na ito sa opisina niya sa third floor o baka bumesita na naman sa library since iyon ang paborito nitong tambayan?

"Ang tagal mo." Nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ng malamig na boses sa likuran ko. Paglingon ko dito ay nakatingin na ito kay Phobi na nakayuko na ngayon. "Kindly bring us some snacks and drinks," seryoso nitong sabi.

"Yes, Young Master!"

Pagkaalis ni Phobi ay napaayos kaagad ako ng tayo dahil napunta ulit ang tingin nito sa akin. Alam ko naman na ako ang sinabihan niyang mabagal ang kilos kasi natamaan ako.

Pilit nalang akong ngumiti na hindi nito pinansin. Nauna itong pumasok kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod.

∞∞∞∞∞

📖📌 Hello, folks! If ever na may mabasa kayong typos or grammatical errors, you can kindly comment it down and I'll try na ayusin kaagad. Thank you, mwaps! (⁠ ⁠˘⁠ ⁠³⁠˘⁠)⁠♥

Share This Chapter