Chapter Six
Firefighter Transmigrated into the Mafia Boss' Foolish Daughter
FTMBD
Lutang parin akong naglalakad ngayon. Naramdaman ko pa ngang hinila ako ni Phobi sa gilid. Tsaka ko lang napansin na muntik na akong tumama sa display na lion statue na nasa gilid lamang ng malaking kahoy na pinto.
Sinong hindi malulutang kung ang akala mong isang oras na pag-iisip ay inabot ng buong araw?! Parang kanina lang umaga pa ah. Iba siguro ang bilis ng takbo ng oras nila dito sa loob ng nobela.
Napatango naman ako sa naisip. Grabe, nararamdaman ko na talaga ang overflowing kong katalinuhan!
'Siguro ramdam mo din ang overflowing mong kakapalan, Alora? Yah! Dapat bawasan mo muna ng kaunti, nakakahiya sa kaluluwa ni Cosette kung nasaan man siya ngayon! P--pfft hahaha!'
Hinanda ko muna ang sarili ko sa makikita sa loob ng dining room. Pero pagpasok ko'y ako lamang ang tao kasama ang mga nakahilerang maid in uniforms. Yah! Mabuti nalang wala dito ang mga nakakainis na unggoy.
"Here is your food, milady," magalang na sabi ni Phobi habang nilalagay kuno ang pagkain ko sa mesa na kaharap ko.
Tahimik ko lang naman itong tinitigan. Pagkain parin naman. Napatampal ako sa noo ko. Bukod sa naaamoy kong may hinalong gamot sa kanin, ngayon ko lang din napansin ang kakaibang way ng pag-serve nila or should I say method of cooking nila.
Nasa iba't ibang lalagyan ang mga ingredients nila. Kaya siguro wala akong maamoy na bango ng pagkain. Wala din akong masyadong malasahan. Hindi nga pala mix ang mga ingredients nila dito. Ang kumakain na ang bahalang maglagay kung ano ang gusto nila.
Huminga ako ng malalim at pikit matang kinain ang kanin na may gamot. Y--yucks! Ang pait naman nito! Maghahalo na nga lang ng gamot sa kanin iyong sobrang halata pa!
Ang nanay nina Magdalena ang nagpauso na painumin ako ng gamot dahil pinakalat nitong may sakit sa ulo si Cosette. Ayaw nga sana ng tatay ni Cosette na bigyan ito ng gamot dahil hindi ito naniniwalang psycho ang kaniyang anak.
But that woman insisted na mas makabubuti daw na maaga palang ay naagapan na ang sakit sa utak ni Cosette. Kaya kahit labag sa loob ay hinayaan niyang bigyan ng mga ito ng gamot si Cosette.
Masakit iyon para sa damdamin ni Cosette. Ipagkalat ba naman na may problema siya sa utak. Kung si Magdalena pa siguro ay maniniwala talaga ako!
Siguro kaya nila naisip na psycho itong si Cosette dahil bata palang ito'y iba na ang talino ng babaeng 'to. Idagdag pa na habang lumalaki ay nakitaan siya ng potensyal sa paghahalo ng mga ingredients na kalaunan ay nagagawa niyang panlason sa mga hayop.
She loves experimenting, but never likes fighting. Sa sobrang tamad ng bruhang 'to ay minsan nga hindi pa niya tinatapos ang experiment niya. Ang nakakapagtaka lang ay tamad siya pero sobrang go na go sa paggawa ng kahihiyan sa sarili. Jusmeyo!
Although maraming kahihiyan at sikat ang pangalan ni OG Cosette sa mga social platforms, people had never seen her with a gun or any dangerous weapon. Tanging ang Cromwell family lamang ang nakakaalam na kayang makipaglaban ni Cosette.
Dahil doon kinilala tuloy siyang "Stupid Princess of Cromwells." Pero at least tinawag siyang princess, okay na ako doon. It's a compliment.
Luh, Alora hibang?
OG Cosette hates exerting too much energy into things na para sakaniya ay wala namang pakinabang sa well-being niya. She didn't even participate in the mandatory training that her father required of them. She was lazy, just like me.
Pero pahabulin niyo ang babaeng ito sa lalaking nagugustuhan niya, nawawala sa vocabulary niya ang pagod. Todo bigay sa kahihiyan ang ate niyo!
Agree naman ako na dapat gamutin ang bruhang ito. Aba'y mahirap na at baka lumabas ang dragonâ which is me. Hehe. Sunog pati kaluluwa ng mga hayop kapag hinayaan nilang lumabas ang bomberong 'to.
Teka, parang may mali sa sinabi ko. Napailing nalang ako. Guni-guni ko lamang siguro.
Tinapos ko nalang kaagad ang pagkain ko. Inaantok kasi ako bigla. It must be one of the effects of medicine I just ate. Naku, naku! Siguraduhin nilang nagpapagaling ang gamot na 'to dahil mahirap ng madagdagan ang mga abnormal sa nobela. Yah! I cannot let myself be a pest like them!
'As if talagang hindi ikaw ang reyna nilang gaga ka! Sa sobrang kasamaan mo ay baka ang demonyo pa ang matakot sa 'yo!'
Dahil maganda ang mood ng inaantok na si ako ay inayos ko ang pinagkainan ko bago nagtungo sa second floor kung saan matatagpuan ang mga rooms.
I didn't mind Phobi that is following me. I entered my room, directly went to my bed, and laid down. Malakas akong humikab tsaka niyakap ang isang unan. Hindi talaga ako nakakatulog ng mahimbing kapag walang nayayakap.
'Sana sa susunod guwapong mayaman naman ang mayakap natin, Alora.'
Y--yikes! Bigla akong naglaway. Iniisip ko pa lang ang malaking ano-- malaking pera na makukuha ko mula dito ay nanginginig na kaagad ako.
'Y--Yah! Manyak ka na nga, mukha ka pang pera, gaga!'
Mariin kong pinikit ang mga mata ko nang makapagpaalam at marinig kong naisara na ni Phobi ang pinto.
Maluwag akong napahinga ng malalim nang makitang mag-isa nalang ako dito sa kuwartong hindi pamilyar sa akin. I roamed my eyes around, not wanting to move my body. Gusto ko na talagang matulog pero ayaw makipag-cooperate sa akin ang diwa ko!
Inside this huge and wide bedroom are the vanity mirror, chair, and table. May malaking cute na lampshade sa left side ng bed. The bed is overly designed, kulay pink na may parang kurtina pa na desinyo tapos may mga kung ano pang nakasabit na gems sa bawat gilid.
Sa itaas ng bed ay may chandelier na may nakasabit din na mga gems. Naipikit ko na lamang ang mga mata ko dahil ang sakit nito sa mata. Sa right side ng bed ay ang sliding door palabas ng balcony. Ngayon ay nakasara ang sliding door at may kurtinang nakaharang.
Nakita ko din ang mga paintings na nakasabit sa dingding ng kwartong ito. I can say na may taste ang si Cosette sa mga dark themed paintings. Pero hindi iyon nababagay sa theme ng kuwarto niya na parang pambata dahil sa mga designs and color.
Ang sahig naman ay gawa sa marmol na sobrang linis. Kumikintab pa ito, halatang bagong mopped lang. May mini living room and bookshelf din dito sa loob. May nakita din akong dalawa pang pintuan, which I assumed was a walk-in closet and the bathroom.
I closed my eyes and let the darkness consume me.
***
Walang buhay na pumasok ako sa shower room. Bagsak ang dalawang balikat habang nakabusangot, wala sa mood. Natutulog lang naman ako ng mahimbing kanina when someone dragged my ass up.
He said, "Miss, I am sorry but you need to get up now. Your brother will get mad if you won't join them for dinner."
I couldn't really remember what he said after that, naalimpungatan lang kasi talaga ako. Ang naalala ko lang ay nasabihan ko siya ng, "Piste! Hindi ba nila kayang kumain ng wala ako? Bakit kailangan pang bulabugin ang taong natutulog?"
Kulang nalang sapakin ko ang lalaking iyon kanina. Hindi ba niya alam na ang rude ng ginawa niya, huh? Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay iyong binubulabog ang mahimbing kong pagtulog dahil lamang sa walang kuwentang bagay!
Binuksan ko ang shower at tumayo sa ibaba nito. Baka sa tulong ng tubig na ito'y mahimasmasan ako at malamang nananaginip lamang ako kahit ilang araw ko ng natatagpuan ang sariling nagigising sa iisang silid.
Piste naman talaga.
Hinilamos ko ang dalawang palad sa aking mukha bago naisipan na tapusin na ang pagligo. Bakit ko pa tatagalan ang pagligo kung malinis naman talaga ang katawan ni Cosette? Kahit nga yata hindi ito maligo ay amoy baby powder parin ito. Hahahaha!
Tsaka marami pa akong pending na mga bagay na dapat isipin kaya mas mabuting harapin ko muna kung anuman itong pinapagawa sa akin ng lalaking naghihintay sa labas ng aking kuwarto.
I wore a bathrobe before going out of the shower room. Pati bathrobe niya kulay pink. Si Cosette lang siguro ang kilala kong feeling kontrabida na mahilig sa kulay na pink. Naglakad ako papunta sa isang pinto, katabi lang ng pinto ng bathroom.
Pagbukas ko, kaagad akong nalula sa dami ng damit na naka-hanger. Tama nga ako na isa itong walk-in closet.
Ang ganda at halatang mamahalin ang mga damit. More on t-shirts ang mga nakasabit. Mayroon din namang mga dresses pero long sleeves lahat. Wala din akong makitang sexy na damit, puro mga damit na sinusuot ng mga conservative na tao.
Walang maniniwala sa 'kin kapag sinabi kong dati naman talagang fashionista ang babaeng 'to. She was like me, very sensitive about clothes she was wearing. Mahilig din ito sa mga revealing clothes kaya minsan na din itong nachismis na bayarang babae sa bar.
But it turns something different when she first laid her eyes to the Flauntleroy boy and had a crush on him. Sinabihan lang naman siya nitong "I like women wearing something different from you" nag-change person na kaagad ang baliw!
Hindi man lang niya naisip na sinabi iyon ng lalaki para ipahiwatig sa kaniyang ayaw nga nito sa kaniya. Talagang iba ang tumatak sa kokote ng bruha! Iyon na nga siguro ang literal na example ng "love can make people blind and deaf."
Literal na walking red flag na ang lalaki. Ipinagsigawan at dutdutan na nga ito sa pagmumukha niya pero habol parin siya nang habol na parang asong ulol.
Nalaman din niyang may gusto ang lalaki sa Young Miss ng Glen. Kaya pinagtuonan niya talaga ng pansin ang panggagaya sa style ng babae.
Napansin ni Cosette na hindi masyadong mahilig ang babae sa sexy na mga damit, kaya naman kaagad niyang pinalitan ang mga sexy niyang damit into conservative ones.
Juice colored na babae!
Magaganda din naman ang shirts and dresses. Ang problema lang, 'di siya marunong manamit. Walang alam sa fashion style. Walang fashion sense.
'Okay, tama ka na, Alora. Masyado ng nagdusa sa nobela ang babaeng 'to because of criticisms, so spare her kahit ngayon lang kasi baka umiiyak na 'yon sa ibaba'
Fine. I am just telling the truth though. Pero yeah, dahil nandito naman na ako sa katawan niya, it's better to change for the better. Napatango ako.
I busied myself by checking the dresses na nakasabit. Every dress was totally to my liking. Medyo conservative ang iba, but it will do.
Dati pa talaga ay mahilig na ako sa mga dresses, either cute or revealing, or either simple or elegant. I really love it all. Iyon nga ang palaging bigay ni mom sa akin sa tuwing birthday ko, because she knows how much I adore them.
'Yon nga lang, 'di ako masyadong nakakapagsuot ng gano'n because obviously 'di ako masyadong gumagala and I am always wearing something that fits my mission. Palaging shirts or disguised ang mga suot ko.
Isa pa kapag nasa trabaho ako, shirts din ang mga sinusuot ko. Pinapatungan ko ng PPE namin as a firefighter. Mas mabuting palagi kaming nakasuot ng PPE kahit na mainit para lagi kaming handa sa oras na may mangailangan ng aming serbisyo.
Kinuha ko ang blue A-skirt mini dress na nakita ko. Simple lang siya, but I like it. Long sleeves din ito kaya naman medyo mainit talaga siya. Mabuti nalang malamig ang klima dito sa bansa nila.
Sinuot ko ito matapos ko itong titigan ng ilang minuto. I smiled habang pinapasadahan ng kamay ang tela nito. Ang comfortable ng tela niya. I was impressed by the fabric used, dahil halatang high quality ang fabric na ginamit dito. Hindi siya manipis pero 'di din naman makapal.
Umabot lamang ito hanggang tuhod and it really looks like it complimented my skin.
Hinanap ko muna kung saan nakalagay ang mga shoes. Nang makita ay kaagad kong kinuha ang blue na flat shoes, may desinyong bulaklak sa harap. Ang cute, it matches my dress.
Matapos nang paghahanda ko ay excited akong tumingin sa salamin. Umikot pa talaga ako just to have a clear view sa outfit ko ngayon.
***
Tahimik ang buong dining room. Kanina ay ang awkward at stiff ko pa habang naglalakad papasok dito sa loob ng dining. Mas lalo pa akong kinabahan nang makita na prente ng nakaupo ang dalawang lalaki na nagpatawag sa akin dito.
Nadagdagan pa iyon nang mapansin ko ang mga nakahilerang maid in uniform sa bawat gilid.
Mabuti naman nakakakain pa sila sa lagay na 'to? I don't like it when eyes are on me while eating. Sa mga normal na pagkakataon ay pinagbabaril ko na sila.
Good thing, they're just standing at the side with their head bowing. Nandoon din kasama ng mga maid na nakatayo sa gild si Phobi, habang iyong lalaki naman kanina ay nagpaiwan sa labas ng dining room.
Hindi na kami nakapag-usap muli nang ma-realize ko na ang ganda ko talaga. Geez. This beauty can make guys drool and kneel for her kung nagamit lamang niya sa tamang paraan. Kaso ginamit niya sa pagiging stupid, ayon namatay.
'Baliw ka, Alora! Tumigil ka nga sa kakasabi ng masama tungkol kay Cosette, baka mamaya niyan multuhin ka.'
Sige lang, multuhin niya lang ako. Gusto niya yakapin ko pa siya, eh. Iyong yakap sa leeg sana kung maaari.
Elegante kong hiniwa ang karne bago ito sinubo tsaka mabagal na nginuya. Ginagaya ko lang talaga itong mga kasama ko na feeling noble kung umasta. Kami nga noon nina mommy halos may karera palagi sa pagkain dahil palagi kaming nagmamadali.
Sabagay, the Cromwell family is one of the known nobles on this country. Sa sobrang katalinuhan ng author nitong nobela, pinaghalo na nito ang ranking system ng republican country sa system ng monarchic country.
Tsaka may halong pag-iingat ang ginagawa kong kilos ngayon kasi I don't want to create any noise that can break the ice that is already built inside this dining area bago pa man ako makapasok dito.
Ang lamig nga, eh. Napaisip pa ako kanina na baka nagulo na ang novel tapos ang setting ay nabago na't nasa Antarctica na pala. Mabuti natatagalan ng mga maids ang amo nilang ganito?
Natatakot tuloy akong maglikha ng ingay dahil nasa harap ko ang isang demonyo-- I mean isang taong hindi dapat ginagalit.
Habang tahimik na kumakain, naisipan kong palihim na pagmasdan ang dalawa kong kasama dito sa hapagkainan. Good thing dalawa lamang sila at wala ngayon si Magdalena. Naku, baka another debate na naman ang mangyari.
Sa harapan ko ay si Dino na parang robot gumalaw. His aura screams authority kaya no one dares to make a noise ngayon. His eyes were cold and his facial expression was serious while he was slicing the meat.
Sa nakikita ko nga ngayon ay ako ang naaawa sa karne. Ikaw ba naman luto na pero hinihiwa ka pa with matching cold stare? Aba'y kahit kakahain lamang na pagkain mula sa apoy ay lalamig dahil sa klase ng titig niya. Grr.
Bumaling naman ang tingin ko sa isa pang lalaki na nakaupo sa tabi nito. Si Aino na nakapagdasal yata bago kumain kasi ang tahimik ngayon. Sabagay, he is usually quiet, nagiging puwet ng manok lang naman ang bibig niyan sa tuwing nanghuhusga na.
Kagaya ng isa ay may seryoso din na ekspresyon sa mukha nito habang kumakain. Bakit nonchalant ang mga kapatid nitong ni Cosette habang OA silang dalawa ni Magdalena? Ang galing bumalanse ng sperm ng tatay nila, ah.
Nang mapansin kong malapit na silang matapos sa pagkain nila ay kaagad naman akong humabol. Mabilis kong nginuya ang mga pagkain at kaagad itong nilulunok dahilan kaya ako nabilaukan.
"Careful," sabi ng lalaking kakarating lamang. Nakasuot pa ito ng business suit at may dala pang briefcase. Nanlaki naman ang mga mata ko.
Tumango ako para sagutin ito dahil kasalukuyan akong umiinom ng tubig. Ngayon ko lamang nabigyan ng pansin ang lalamunan kong sumasakit yata.
"Is your voice alright now, Dulcinea?" tanong na naman nito habang naglalakad palapit sa puwesto nang mapansin niyang okay na ako. Binaba ko ang water goblet- uy social, alam ko- nang matapos ako sa pag-inom ng tubig.
"Right, is it okay now, big sis? I heard that the poison you drank has a higher level than the first one. It will surely affect your voice," singit naman ng tiyanak na kasama nito.
Hindi naman talaga siya tiyanak. He's around 17. I just like calling him 'tiyanak' since mas maliit ang height niya kesa kay Cosette, sa ngayon. Alam ko kasing tatangkad pa ang batang ito.
Napatango naman ako sa katalinuhan ng bata. Namamaos kasi ang boses ko, garalgal gano'n. Mukhang naaapektuhan nga ng kaunti ang boses ko dahil pakiramdam ko parang nasusunog ang lalamunan ko. Nagkasugat yata.
So this is the effect of the poison that Dulcinea drank?
Kagaya ng sabi ng bata, ikalawang beses na nga na uminom ng lason si Cosette. Ang unang beses ay iyong inutusan siya ng hayop na lalaking gusto niya na uminom, saying na iyon ang patunay na gusto niya talaga ang lalaki.
Ganoon siya katanga! Nang mabasa ko iyon ay sobra talaga ang gigil ko sa libro, kulang nalang punitin ko ang page kung saan nakasulat ang part na 'yon.
Tumikhim muna ako bago sumagot. "It's still not fine, but it will surely go back to normal again in a few days. Thank you for the worry, little brother," seryoso ko din na sabi.
Napansin kong nagkaroon ng kaunting gulat na reaksiyon sa mga mukha nila. Bakit? May nasabi ba akong mali? Ginagaya ko lang naman ang pagiging seryoso nila kasi akala ko trending iyon ngayon!
Tsaka para naman hindi masabi ng mga kasambahay dito na ampon lang ako. Kapag nilabas ko ang pagiging loka-loka ko ngayon dito ay baka mapagkamalan akong impostor.
'Oh bakit hindi ba, Alora? Impostor ka naman talaga. Tanggapin mo nalang, wala ka ng magagawa'
Alam ko naman kung bakit ganoon ang reaksiyon nilang dalawa. They just can't believe that a brat like Cosette could say thank you without faltering any words, like she really meant to say it.
Mabait lang kasi si Cosette basta sa taong tipo niya, pero hindi sa mga nakapalibot sakaniyang nagmamahal sa kaniya.
Malay ko ba sa babaeng 'to. Hindi naman nagkulang sa pagmamahal at atensyon mula sa kaniyang ama pero naghahabol parin ng kalinga sa iba. Baliw amputa.
Tumayo na lamang ako't sinalubong ang ama ni Cosette na si Prensley Weston Cromwell. Excited akong lumapit dito at niyakap ito na alam kong gumulat sa kanilang lahat.
Hindi kasi ganito ka-sweet at kalambing si Cosette towards his father kahit halata naman na Prensley was trying his best to get the affection of Cosette. Kaya naiintindihan ko ang mga gulat na nakikita ko sa mga reaksiyon nila.
Nang makalayo ako sa yakap, kinawit ko naman ang braso ko sa braso nito. Yah! Tinuruan ako ni mommy noon na kapag may pera o oportunidad na dumating sa buhay ko'y huwag ko ng pakakawalan. And Cosette's father is both.
"I thought you'd be gone for a week, so you should be able to return tomorrow," I said with a smile as I dragged him to a seat at the end of the dining table, which is usually reserved for the family patriarch.
Napabuga ako ng mabigat na hangin nang mapansin ko ang pagtitigan nila. Kanina ay parang nagpapalamangan sila kung sino ang mas seryoso. Tapos ngayon naman ay may nangyayari pa yatang staring contest! Hindi naman halatang competitive and mahilig sa laro ang pamilyang 'to ano?
Napatango ako. I see, I see!
Nang bumaling ang tingin nila sa akin ay hindi ako nagpatalo. Nakipagtitigan din ako sakanila na umani ng iba't ibang reaksiyon mula sakanila. Kunot noo sa kambal, ngiti sa ama ni Cosette, habang natatawa naman sa batang lalaki na alam kong pinsan ni Cosette sa father side.
Oh, ano na naman ang nagawa ko? Bakit kapag sila ang gumagawa ay ayos lang tapos kapag nakisabay naman ako sa pauso nila ay parang gulat na gulat pa sila?!
"Are you really alright now, big sis?" seryosong tanong ng batang lalaki habang mataman na nakatitig sa magiging reaksiyon ko. Para bang hindi ito nagpigil ng tawa ngayon-ngayon lang!
Tinago ko ang ngisi ko dahil ang cute ng batang 'to kapag seryoso siya.
Now, we are not talking about the voice.
Ako naman si artistahin ay kaagad nag-isip ng mga nakakaiyak na drama na napanood o kaya nobela na nabasa para lang makaramdam ng lungkot.
Nang makaisip ay kaagad nagtubig ang mga mata ko. Yumuko ako para itago ang natatawang ekspresyon. Shit! Ang pangit ko pa naman kapag umiiyak, naku!
"I--It still hurts. I really like him. And knowing that he chose someone as lowly as Glenn hurts me and also insulted me. I don't know what to do anymore," humihikbi kong sabi.
Nang hindi ko na makaya ay kaagad kong tinakpan ang mukha ko.
'Shit! Pigilan mo ang tawa mong gaga ka! Don't you dare fucking laugh after saying those sentences sadly. Magmumukha ka lang baliw sa harap ng mga mababangong tae!'
"Do you really want to be that man's partner for the upcoming banquet?" malamig na tanong ni Dino na nagpatayo sa mga baby hairs ko. Yikes!
Bakit parang iba ang pakiramdam ko? Biglang umihip ang masamang hangin sa paligid. Parang may sasabihin yata siyang magiging dahilan ng atake ko sa puso. Aish! Baka nago-overthink na naman ako. Tama, tama.
"Y--yes, big brother," mahinang sagot ko habang pinupunasan ang luha. Dapat ay hindi ko sana ito papalabasin para reserved, kaso lumabas talaga siya kaya wala na akong magagawa.
Nautal pa nga! Umangat ang tingin ko at bibigyan na sana ng ngiti ang seryoso na kapatid ni Cosette nang manigas ako sa kinauupuan ko dahil sa sumunod nitong sinabi.
"Let me just kill the Glenn girl, then." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
W--WHAT?!
âââââ
ðð Hello, folks! If ever na may mabasa kayong typos or grammatical errors, you can kindly comment it down and I'll try na ayusin kaagad. Thank you, mwaps! (â  â Ëâ  â ³â Ëâ )â â¥