Back
Chapter 7

Chapter Five

Firefighter Transmigrated into the Mafia Boss' Foolish Daughter

FTMBD

Frustrated akong napabuntong-hininga. Hinanap ng mga mata ko ang cellphone na pagmamay-ari nitong bruha. Nang hindi makita ay tumayo na ako para buksan ang mga kabinet. Nahanap ko naman ito sa kaniyang study table.

Pagbukas ko'y napagtanto kong hindi mahilig sa password ang bruhang 'to. Napatulala pa muna ako sa wallpaper nito bago ko buksan ang kaniyang social media.

Sinong hindi matutulala kung mukha ng isang lalaki ang nandito?! Siya na ba iyong lalaking hinahabol-habol niya? Ang pangit! Okay, OA lang talaga ako manlait. Puwede ng ipanglaban ang mukha niya kina Daniel Padilla at James Reid.

"Para sa 'yo, ang laban na 'to~," naikanta ko nalang nang maalala si Daniel.

T--teka... Parang may mali sa lyrics ko? Mukhang tama din naman. Si Daniel Padilla naman ang kumanta no'n, right? Ahh nevermind!

Nagpunta kaagad ako sa trending lists at doon nga ay nakita ko ang mga kahihiyan na ginawa ni Cosette sa sarili niya nitong mga nakaraang araw. Naroon na may picture siyang may cake ang mukha.

Ayon sa mga comments ay hinablot niya daw ang kamay ng First Young Master Flauntleroy pero hindi sinasadyang matabig daw nito si Cosette kaya ito ang resulta.

Yah! Anong hindi sinasadya?! Sa hitsura ng bruha ay halatang forcefully siyang tinulak doon eh! Iyon din ang nasa alaala ni Cosette, sinadya siyang itulak ng lalaki pero pinalabas nitong aksidente lamang iyon.

Biglang tumaas ang altrapresyon ko kahit anemic naman ako sa sumunod kong nakita. Sa picture kasi she's running after the car na papalayo yata sa kaniya.

Sabi sa comments na nabasa ko'y sabay daw talagang nagtungo sa event na 'yon ang dalawa, sa pag-aakala ng lahat na maayos na sila ay nagulat nalang sila na umalis mag-isa ang First Young Master habang naiwan naman ang luhaan na si Cosette.

Baka akala ng bruha na nasa taping sila at gumagawa ng drama! Naiimagine ko kasi ang ginawa nito basi sa mga napanood kong kdrama noon. Nakakaawa ang bruhang 'to, sa totoo lang. Naaawa ako sa mga katangahan niya sa buhay.

May nabasa pa akong mga comments na dumagdag lamang sa kulo ng dugo kong three percent nalang yata ang content.

Sinabi ba naman ng mga 'to na wala daw kasalanan ang First Young Master sa katangahan ni Cosette. Tapos sinabi pa nilang deserve daw ni Cosette ang nangyari kasi nakakahiya daw itong kasama. May isa pang nagsabi na baka daw ginalit ni Cosette ang lalaki kasi mabait naman daw talaga ang First Young Master ng Flauntleroy.

Pinatay ko ang cellphone ni Daisy at tinapon sa gilid nang matapos ako sa pagtingin ng mga kahihiyan niya at pagbasa sa mga public opinion na wala naman akong pakialam.

'Walang pakialam pero gusto mo ng pasabugin ang mga bahay nila? Hay naku, bruha!'

Masyado silang bulag dahil sa guwapo daw ang lalaki. Anong kinalaman ng kapogian niya kung pangit naman ang pag-uugali niya?! Tsaka saan banda ang mabait sa mga kilos ng hayop na 'yon?!

Mga bulag ba ang mga tao sa mundong ito? My gosh!

Napahawak ako sa sintido ko't marahan itong hinilot. Nakaka-stress. Ilang araw palang ako sa katawang ito pero parang mauubos na yata ang buhok ni Cosette dahil sa sobrang stress na nararamdaman ko ngayon.

'Kumalma ka lang, gaga! Wala ka pa nga sa exciting parts pero nadadala ka na kaagad sa emosyon mo! Hintayin mong dumating ang mga main characters para malaman mo kung anong stress level ang kaya mong i-endure!'

Siguradong makakalbo ako kapag sumulpot nalang bigla ang female lead, lalo na ang mga male characters.

Speaking of male characters, Cosette's older brothers are one of the female lead's harem. Nang mabasa ko ang tungkol doon sa nobela'y halos malaglag pa ang panga ko. Sinong mag-aakala na hindi lamang harem ang meron sa nobela, may polygamy din!

Bilib na talaga ako sa female lead. Nakaya niyang ipasok lahat sa puso niya ang naglalakihang mga lalaki na kasama sa kaniyang harem.

Let me sort out what I know about the characters so far. Dahil wala naman akong magawa ngayon, mabuti pang pag-aralan ko nalang ang mga karakter sa nobela na alam kong susulpot talaga kahit ano pa ang gawin kong pagtago.

Hello? Nasa iisang bansa lang kami! Alangan namang manatili ako palagi dito sa loob ng villa regencia, eh, ang boring. Hindi pa naman nauuso ang mga games sa cellphones nila. Boring din ang social media nila dito dahil para lamang itong x app na puro words lang tsaka pictures, walang videos.

Binuksan ko ang laptop ni Cosette na biglang natulog kahit hindi ko naman pinayagan.

Una sa listahan ay siyempre ang female lead tutal siya ang totoong focus ng nobela. I typed her name sa laptop. Sabrina Rose Alejandro. She is from a family that is considered to be of the "low class" sa bansa na matatagpuan sa Peltas.

She wants to get revenge on the wealthy for the misery they have caused to her and her family. Lilipat siya dito sa Emperoa dahil nandito ang uncle niya na siyang tutulong sakaniya upang mahasa ang galing niya sa pakikipaglaban.

Galit siya sa mga mayayaman dahil para sakaniya it is impossible for someone like herself to taste freedom, and that no one will listen to their problems kasi mga mababang tao lamang sila.

It was true that in this society, rich people often ignore those who earn less money. They'll pretend to be deaf and blind, which is why individuals often don't receive justice.

Kahit sa Earth ay ganito din. Kahit saan talaga ako magpunta ay pera ang nasa itaas. That's the reality.

Kahit saan talaga mapunta ang kaluluwa ko'y pinuputangina ako ng pera.

Anyway, ang alam ko lang sa salitang rose ay isa itong pangalan na puwedeng mangahulugan ng beauty and could also mean secrecy or confidentiality.

Ayon sa explanation ng author sa kaniyang account sa app na x, ang pangalan ng female lead ay kinuha niya sa salitang "sub rosa" na ibig sabihin sa Latin ay "under the rose."

I searched about it before. Ayon sa research ko, noong ancient times daw kapag nagsasabit ng mga rosas sa banquet halls ang mga Romans ay nangangahulugan daw iyon na kung ano man ang napag-usapan nila under the influence of wine would remain confidential.

Ibig sabihin maraming sekreto si Rose at kalaunan ay nabunyag sa nobela. Pero kahit gaano pa kalaki at nakakagulat ang mga rebelasyon ng sekreto niya, patuloy parin siyang pinoprotektahan at mas minahal ng mga lalaking kasama sa kaniyang harem.

Edi sana lahat, 'di ba?

Tawang-tawa pa ako noong mabasa ko ang sinabi ni author sa x. Nasabi ko pa sa sarili ko kung bakit nagbigay pa ito ng explanation kung ano ang meaning behind sa pangalan ng female lead, eh bulaklak lang naman talaga 'yan!

Sabagay, lahat naman talaga ng mga bagay na sinusulat ay kailangan may explanation. So bakit ako nandito, author? Paki-explain, labyu.

Pangalawa sa mga karakter na tinype ko sa laptop ay siyempre ang karakter ko, si Dulcinea Cosette Cromwell.

Though hindi ito kasama sa mga karakter na main focus talaga ng nobela, she still played a big role naman sa novel. Actually, siya ang naging dahilan kung bakit muling nagtagpo si Dino at si Rose, then nakilala ni Rose si Aino.

See? Her character is not the main focus of the story pero ang mga galaw at salita niya ay malaki ang impact sa plot at characters. Isa siya sa rason kung bakit nagkaroon ng heart-to-heart talk ang ibang characters!

Sunod ko namang tinype ang mga male characters. Ito iyong mga kasali sa harem ng female lead na dapat kong iwasan hanggang sa kaya ko kung nais ko pang mabuhay kaming dalawa ni Cosette.

Una na nga sa listahan ay ang MML or ang main male lead since siya din ang isa sa focus ng nobela na si Demetrius Silas Alastor Donnovan, 24 years old. Anim na taon ang tanda niya kay Cosette.

Isa siya sa mga dapat kong iwasan. Siya ang pinakauna at pinakaayaw kong makadaupang palad habang nasa katawan ako ng babaeng 'to. Delikado ako sa lalaking 'yon! Lalo pa't sa nobela ay magkakagusto din ang bruha sakaniya. Aish!

Sa lahat ba naman kasi ng magugustuhan niya sa mga male leads, bakit itong pinakadelikado pa talaga? Tsaka bakit ang hilig niyang humabol at magpapansin sa mga taong nagugustuhan niya? Kay gandang babae tapos tanga sa lalaki!

Si Silas iyong character na masarap lang titigan pero hindi magandang makasama, mga gano'n na vibes! Sa third name palang nito na ang ibig sabihin ay god of blood feuds and vengeance ay nakakatakot na talaga. Geez.

Pangalawa sa dapat kong iwasan ay si Caspian Giovanni Salvatore Heist, 25 years old. Isa pa 'tong peste na 'to. Isa din ito sa ayaw kong makasalamuha in the future.

Kung dito sa basang Emperoa ay si Silas ang pinakamakapangyarihan at pinakadelikadong tao, sa bansang Moesia naman ay si Caspian. Ang dalawang 'to ang nagpapaunahan sa overall ranking ng Gaia. Parehong nakakatakot at hindi magandang galitin.

Siya ang namumuno sa bansa na sumakop sa maliliit na bansa ng Peltas. Sa ginawa palang niyang 'yon siguradong magkakaroon na agad kayo ng idea kung anong klaseng tao siya.

Wala siyang pakialam sa iba basta masunod lang ang gusto niya. He thinks that humans are just nothing but a pest that he can decide whether he will kill or let it fly.

He is a tyrant, a real demon in human form. Kung si Silas ay tahimik lang, si Caspian naman ay mahilig sa gulo. Hindi nga yata nabubuhay ang lalaking 'yon ng walang napapatay!

Kaya kung gusto ko pang magtagal ng ilang chapters, mas maiging manahimik nalang ako dito sa tabi at 'wag ng kunin ang atensyon ng demonyo!

Hindi naman magpapatalo sa dalawang nauna ang pangatlo sa aking listahan na si Lysander Chase Zacharias, 24 years old.

Ang mga Zacharias ay kalaban ng mga Donnovan pagdating sa mafia organization. Hindi na nagkasundo ang both parties sa mga transactions kaya minabuti nalang nilang maging magkalaban. Kagaya nga ng sabi ko, iba ang takbo ng utak ng mga karakter sa nobelang 'to.

Dapat ko lang iwasan ang lalaking 'to dahil isa din ito na mahilig sa gulo. This man is violent! Mahilig manakit physically kaya it's a big no-no talaga na magkita kami ng taong 'to. Baka magsaksakan kami, ano!

Isunod naman natin ang isa pang peste na si Quinnoa Caliber Roscoe, 23 years old. The name of this man is so nice. Bukod do'n, gusto ko siya dahil sobrang sweet niya sa female lead. Siya 'yong tipo ng male lead na handang sungkitin lahat ng bituin kung gugustuhin man ng female lead.

I am not really into romance, but damn! Ang romantic kasi ng lalaking 'to kaya crush ko siya sa nobela. BUT! BUT! BUT! It doesn't mean that I would like to meet him because I will never ever wish for that.

Romantic siya oo, pero demonyo parin ang lalaking 'yan kagaya ng ibang male leads! Pumapatay din siya kapag hindi niya gusto ang isang tao. Kaya dapat lumayo at umiwas din ako sakaniya!

Roscoe family owns the best training center for securities. Sila ang nagmamay-ari ng mga securities na binibili o kaya nirerentahan ng mga pamilyang kasapit ng E.A. Their securities are called R.E.G.S.O or Roscoe Elite Guards Special Organization.

Meron din silang tinatawag na R.E.G.S or Roscoe Elite Guards Superior. Ito ay ay special lang para sa mga top 5 na family sa ranking.

Next sa linya ay ang kapatid ng mml na si Hezekiah Damian Donnovan, 25 years old. Kailangan ko pa bang ipaliwanag kung gaano kadelikado ang lalaki na 'to? Loko-loko lang ang lalaking 'to pero demonyo din. Wala naman kasing matino sa nobela na ito kundi ako lang!

Tinaguriang weapons' master si Damian dahil sa galing niyang gumamit ng mga armas. Pero mas gusto talaga nitong gumagamit ng mga baril na long range. Siya ang sniper ng Donnovan Mafia Organization.

Siyempre sa mga male characters hindi naman mawawala talaga ang mga assuming at iyong matataas ang kumpyansa sa sarili. Please help me welcome Conrad Nikolai Fiero, 23 years old.

Fiero family is the number one supplier of weapons in the entire Moesia. Sikat ang kompanya nila dahil sa paggawa at pag-release ng mga armas na nagagamit ng lahat sa mafia organizations, sa military, at iba pa.

Sumunod naman na nakalinya sa kaniya ay si Ysabeaue Samuel Clarence, 23 years old. Kailangan kong mag-ingat sa isang 'to dahil bukod sikat ito dito sa Emperoa, mahirap din kalaban ang mga manyak!

Ang mga Clarence ang nagmamay-ari sa pinakasikat na Clarence Entertainment. Dito nanggagaling ang mga sikat na artists ng bansang ito. At singer sa sariling entertainment si Ysabeaue.

Isa sa dahilan kung bakit ayaw ko talagang mapalapit sa tao na ito bukod sa natural na delikado talaga ay ayaw kong guluhin ng mga fan girls niya! Yah! Iba pa naman utak ng mga obsess fans. Hindi din magandang magsama sa iisang lugar ang dalawang malandi, baka ibang bakbakan ang mangyari.

"E--ehem! Focus ka nga sa topic mo, gaga! 'Wag lumiliko kaya ka nasasaktan eh! Ha? Parang tanga naman, Alora!"

Sumunod naman sa manyak-- este kay Ysabeaue ay ang pinsan ng mml na si Ignatius Kai Malcolm, 23 years old. Kailangan kong mag-ingat sa lalaki na ito dahil idol na idol pa naman niya ang pinsan niya!

Kaya kahit pa happy-go-lucky ang peg ng beshy ko na 'yan ay never parin akong hihiling na makita ko siya sa personal dahil may sapak din ito sa utak na dapat lang talaga layuan!

Isa pa, his father is the President of the Emperoa kaya hindi talaga puwede! Iniisip ko palang na makakasalamuha at makakasama ko ang lalaking ito ay sumasakit na ang ulo ko.

Next naman kay Kai ay hindi magpapahuli sa kademonyohan si Killian Hunter Elliot, 24 years old.

Ang lalaki na ito ay kilala sa publiko bilang isang mahusay na doctor. Pero ang hindi alam ng lahat ay nagtatrabaho pala ito sa pamilyang Donnovan bilang isang torturer. Siya ang naglilinis at pumapatay sa mga taong humaharang sa mga Donnovan.

Siyempre kung may tagapatay, dapat may tagapagtanggol din. Luther Hugo Sullivan, 23 years old and a lawyer.

Kilala siya ng lahat dahil sa galing nito sa korte without knowing that behind his title is hiding a demon. Nagtatrabaho din siya sa pamilyang Donnovan, siya ang katulong ni Killian sa pagpapahirap ng mga bilanggo nila.

Kaya kahit gaano pa kagwapo ang mga male leads ay isang malaking HARD PASS sila para sa akin. Ayoko ngang makipag-usap at makipagkita sa mga lalaking 'yan dahil pakiramdam ko kapag nangyari 'yon ay siguradong katapusan ko na.

Siyempre panghuli ay iyong kambal na mga kapatid ni Daisy. Kahit pa pamilya ko na sila ngayon, hindi ko parin maipagkakaila na isa sila sa mga importanteng karakter sa nobela. At lahat ng mga important characters sa nobela ay mga demonyo!

Binabasa ko pa nga lang noon sa nobela ang mga kasamaan nila ay hindi ko na kinakaya at nangingilabot na ako! Ano pa kaya kung nangyari talaga sa akin, 'di ba? Lahat ng mga karakter sa nobelang 'to ay hindi puwedeng pagkatiwalaan. Lahat ay delikado!

Those characters that I have mentioned is only the main characters at iba pa 'yong mga sakit sa ulo na side characters at kontrabida. Lahat sila ay kailangan kong pag-aralan at kabisaduhin dahil delikado ang buhay ko kapag hindi.

'May takot ka pala, Alora? Yah? Akala ko talaga nawala na ang takot mo simula ng mabomba ang buong pagkatao mo! Haha, siraulo!'

Aba'y sayang naman ang ganda ni Daisy kung papahirapan lang siya sa nobelang 'to! Sabagay, it's her faith. But now na ako na ang namamahay sa katawan niya ay sisiguraduhin kong babaguhin ko ang future niya.

Namamahay talaga?

Tsaka faith niya 'yon, iba kaming dalawa. Iba ang tadhana ko. Kaya dapat chill na muna ako ngayon. Hindi pa naman magsisimula ng maaga ang nobela.

If nakasunod parin ang nobela sa OG plot, four months from now pa darating dito sa Emperoa ang female lead at magsisimula ang lahat sa araw na 'yon.

"Young Miss?" Phobi's voice pulled me out of my thoughts. "It's time for dinner, milady."

Mabilis akong napabangon dahil sa narinig na sinabi niya. Tama ba ang narinig ko o nagkakamali lang ako? Anong time for dinner?!

Bumaba ako sa kama at nagsuot ng tsinelas. Patakbo akong lumapit sa pinto para mabuksan. Bumungad sa akin ang poker face na mukha ng personal maid ni Cosette na si Phobi, 22 years old. Parang hindi nito iniyakan ang paggising ng amo niya nitong nakaraang araw.

Ito iyong maid na una kong nakita sa mundong ito, iyong iniyakan ako at kulang nalang sumigaw ng may himala. Personal maid ito ni Cosette na tatlong taon naring naninilbihan sakaniya. Ito nga lang yata ang natatanging maid na nagmamahal sa kaniya.

Bumaling ang tingin ko sa mga ilaw dito sa hallway ng mansion. Napanganga ako ng mapagtantong gabi na nga dahil nakabukas na ang lahat ng ilaw.

S--shit. Gano'n ba kalalim ang pag-iisip ko kaya hindi ko na namalayang gabi na?!

∞∞∞∞∞

📖📌 Hello, folks! If ever na may mabasa kayong typos or grammatical errors, you can kindly comment it down and I'll try na ayusin kaagad. Thank you, mwaps! (⁠ ⁠˘⁠ ⁠³⁠˘⁠)⁠♥

Share This Chapter