Back
Chapter 6

Chapter Four

Firefighter Transmigrated into the Mafia Boss' Foolish Daughter

FTMBD

I am— no, scratch that. I was Alora Jhane Cascejo before I became Dulcinea Cosette Cromwell, a character from the novel entitled Riches.

Isa akong firefighter, bombero sa tagalog. I was born in Manila, but parents were not born there. My mother was born in Canada, while my father was born in Cebu.

Sa manila sila both nakatira dahil nasa manila ang business nila. Doon sila nagkakilala and ended up having me. I don't usually speak Bisaya, pero sa tuwing nagagalit talaga ako'y lumalabas nalang ang personality kong iyon.

I was an only child. Matalino ako kaya marami akong awards na natatanggap and almost everyone in the university knew me because my name was always involved in important school activities.

I joined the military for more than five years kasi balak ko talagang barilin lahat ng mga magnanakaw na makakaharap ko. But then, tumigil din ako kaagad sa training dahil biglang nag-iba ang daan na gusto kong tahakin.

Part ng training sa loob ng military ang pagsalo ng malakas na current ng tubig mula sa tubo na konektado sa firetruck. Ayon sa sinabi ng lieutenant namin na training with strong water currents helps the trainees become physically stronger, especially in their core and upper body.

Nalaman ko lang na iba na ang gusto kong tahakin na career nang ipahawak nila sa akin ang hose para subukan kung kaya ko ba ang malakas na current ng tubig. Muntikan pa nga akong lumipad palayo, mabuti nalang malakas ako. Eme.

Mababaw na dahilan para sa iba, pero nang simulan ko ang journey ko sa pagiging bombero, I grew to love it so much.

Hindi lamang iyon ang mga ginawa ko as Alora. I was also my father's personal secret agent. My father is a mayor kaya marami talagang banta sa buhay niya, even to my mom and me. Minsan nga ay muntikan ng napahamak si mommy dahil sa mga kalaban ni dad sa politika.

Natuto akong maging hacker dahil sa paghahanap ng mga taong kumakalaban kay dad. Minsan na akong sinabihan ni daddy na itigil ko na daw ang ginagawa ko kasi he had already hired professionals daw.

Pero hindi man lang umabot ng week ay nalaman ko nalang na traydor pala ang mga professionals na sinabi nito. Kaya nasasabi ko nalang na nakakatakot at nakakapang-init ng ulo talaga sa tuwing nagiging bobo ang kilalang mga matatalino.

Sa dami kong nagawa sa buhay, namatay lamang ako ng walang kalaban-laban. Believe me when I say na sobrang pangit ng pagkamatay ko. Sumabog lang naman ang buo kong pagkatao!

Hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon para masabihan ng "fuck you" ang mga superior ko.

Alam kong sila ang may pakana ng bomba na iyon. Ilang beses na kasi nilang sinubukan ang ipahamak ang buhay ko. It was fine with me naman as long as hindi nila idadamay ang magulang ko, which they didn't. Ako lang talaga ang puntirya ng mga hayop.

Sa tuwing naiisip ko ang kawawa kong kamatayan ay nanggigigil talaga ang kalamnan ko. Sana man lang binigyan muna ako ng kahit 2 minutes para kutusan ang mga iyon isa-isa.

Napatitig ako sa partikular na bulaklak na nakatanim dito sa garden. May malawak na garden sa likod ng Cromwell mansion. Nakita ko ito nang magising ako't naisipang sumilip sa bintana. Hindi naman ako aware na maganda pala ang view sa silid ng bruha.

The daisy flowers that mean the 'day's eye'. This relates to how daisies open at the brink of dawn and close again when the sun sets.

I had read before sa libro na nakita ko sa library na sa Celtic mythology, whenever a young baby passed away, sinasabi doon na God would drop daisies onto earth to assist the parents with their loss.

Sa Norse mythology naman, ang daisy ay ang sacred flower ni Freya, the goddess of love and fertility. This gives daisies an association with childbirth.

Death and Life.

Ang daisy ay nagsisimbolo din ng new beginnings. The flower seemed oddly fitting for my situation. I had died and now I had a chance for a new beginning, just like the daisy flower symbolizes.

Hindi narin naman ako lugi sa babaeng ito. Cosette is a beautiful woman. Mas maganda pa kesa sa mga iniidolo na modelo sa Earth o kaya iyong mga magagandang artista sa mundong iyon.

Jaw-dropping talaga ang gorgeousness ng ate mo girl.

Napahinga ako ng malalim tsaka nag-unat ng mga binti. Hanggang ngayon, I couldn't accept this new reality of mine. I just can't. Wala pa naman kasi akong rason kung bakit kailangan kong tanggapin ang buhay na ito.

'Siguro kailangan mo lang ng handsome sugar daddy, Alora. Kaya dapat iyon ang una sa priority list mo ngayon sa iyong pangalawang buhay. Tama, tama!'

Kakatapos ko lamang basahin ang final chapter sa libro na kinuha ko pa sa malaking library sa loob ng mansion. A deep yawn escaped my lips.

Ang huling topic na binasa ko ay tungkol sa political echos ng Emperoa. Before that, I had first read the laws this nation's ruler had implemented, followed by a military history of the nation.

Inayos ko ang mga libro sa lamesa and simply enjoyed the scene of flowers in front of me. I am eating sweets and drinking tea while watching the flowers and butterflies around the garden. Ang sarap pa ng hangin dito, so peaceful.

Anim na araw na magmula noong matagpuan ko ang aking sarili sa katawang hindi ko pagmamay-ari. Isang gabi ko din iniyakan ang nangyaring ito sa akin. Sobrang overwhelming lamang kasi na matagpuan ang sarili sa sitwasyon na hindi ako sigurado kung paano magsisimula.

Pero kinabukasan ay kinalimutan ko din naman ang iyakin side ko. Hello? Hindi maaari na iyak lamang ang ambag ko sa buhay ni Cosette! Sa dami niyang problema sa buhay, kailangan kong palaging ihanda ang sarili ko.

Kung bakit ba kasi nagpakamatay ang bruha na ito! Ayos lang sana kung nagpakamatay siya dahil sa mga problemang binabato ng author sa kaniya. Pero hindi, eh! She committed suicide out of jealosy!

She died because of a useless man! Ang pathetic lang. Hindi na ako nagtaka na mas maaga namatay ang babaeng ito kesa sa orihinal na pangyayari sa nobela. Ang tanga ba naman kasi ng babaeng ito.

I continue to do nothing but gaze at the flowers. Kahit may mga insekto akong gustong patayin, I'm happy with my life right now. Life is manageable for me. Pero kahit na ganoon, I still want to return to my old world.

Ayaw ko namang manatili sa sa katawan na hindi ko pagmamay-ari. Lalo pa at alam kong maraming pagdadaan sa buhay ang karakter na ito. Sa dami naman kasi puwedeng pumalit na kaluluwa ay ang kaluluwa ko pa talaga ang nahila para pumasok sa frustrating na nobelang ito!

I sighed. Nakakaiyak, yawa. Ang sakit sa ulo ng mga kahihiyan at desisyon sa buhay ng babaeng ito.

'Ang drama mo, bruha ka! Akala mo naman talaga hindi ka sakit ng ulo ng magulang mo noon. Heh!'

Tumayo ako at iniwan lamang ang mga libro. Kung nandito lang sina mommy at daddy ay pagsasabihan ako ng mga 'yon na kesyo ang burara ko daw at dapat hindi palaging umaasa sa mga katulong.

I miss those people. Kamusta na kaya ang buhay ng mga 'yon? Sana naman ay maayos parin sila. And I hope they learned to do background checks muna sa lahat ng mga nakakasalamuha nila.

They're so lazy to do that daw kasi. Ang sarap nga nilang buhusan ng tubig galing sa hose ng firetruck, eh. Pasalamat talaga sila mga magulang ko sila.

May pinagmanahan nga talaga ako. Pero at least may pinagmanahan, wala na akong pakialam kahit negative na bagay ang namana ko!

"I will be locking my door since I want to get some rest. Kumatok ka lang kung may kailangan ka," I instructed the lady that's following me silently.

While walking papasok paakyat sa second flood, Ican feel the stares and hear the gossip from the maids. And all of them are just talking bad behind my back. Yah! Pasalamat sila pagod ang buong pagkatao ko ngayon dahil kapag nagkataon ay ginawa ko ng bola ang mga ulo nila!

"Yes, milady. I understand!"

As I said, I closed the door and locked it. As soon as I checked the whole place with any suspicious devices and cleared the area, I immediately did the most important part. Finding this body's laptop.

Excuse ko lang talaga iyong sinabi kong magpapahinga ako. Walang uso pahinga basta may tumatakbong importanteng bagay sa isip ko na kailangan ng mga sagot.

Aish! Sa dinami-dami ba naman kasing parusa na ibibigay ni Lord sa 'kin ay ito pa talaga! Mas masahol pa ito sa torture na isa sa mga training ko noon sa military!

I rummaged with Cosette's things sa closet niya since I remembered na dito niya tinatago iyong laptop at cellphone niya. Halos baliktarin ko na nga ang closet dahil sa inis pero hindi din naman natuloy because I finally found it.

Napangiti ako bago ito kinuha. Dinala ko ito sa kama tsaka ako naupo at nag-focus dito. I am silently wishing and praying na sana wala itong password.

And YES! Wala siyang password. Mabuti nalang magaling siyang magtago ng gamit dahil baka matagal na itong ninakaw ni Magdalena.

I started reading all the files that are saved in her laptop. My eyes scanned everything and read every word na nakalagay sa mga files.

Napangisi nalang ako. Napatunayan ko ngayong matalino at may pakinabang nga talaga ang babaeng ito. No wonder the main villainess chose her as her puppet.

Napatango ako. Inalis ko muna ang tingin sa laptop para tumulala sa pader. Binalikan ko ang mga nangyari noong magising ako dito. Parang kailan lang ng masabugan ako ng bomba tapos nandito na kaagad ako. What a nice!

Kagaya ng sabi ko, nandito nga ako sa loob ng nobela na may title na "Riches". Sinulat ito ng anonymous author na may username na none-of-your-business.

Uy, hindi ako nagtataray, okay?! 'Yan talaga ang pangalan ng siraulong author na gumawa nitong kalbaryo ko ngayon-- esti nitong nobela kung nasaan ako ngayon.

Walang nakakakilala sa tunay nitong pagkatao kasi sobrang ilap nito sa aming mga readers. Ni hindi nagpa-interview o kaya book signing! Excited pa naman sana ako sa identity reveal niya. Tsk.

Sa title palang ng nobela ay siguradong magkakaroon na ng idea ang lahat kung anong klaseng plot ang nakasulat sa nobelang ito.

The novel revolves literally on wealth. This novel was published around 2005 or something in that year. Basta matagal na! Bata pa ako no'n, mga 26 yata. Oh bakit, bata pa naman iyan sa vocabulary ko! Pero kahit na gano'n ay fresh parin ang storyline nito sa alaala ko.

Paano ko makakalimutan ang unang nobela na binasa at kinaadikan ko noon? I'm so addicted to the point na binili at binasa ko talaga ang tatlong published book nito tsaka isang sequel book. Yes, gano'n ako ka-attached sa nobelang 'to.

'Sa sobrang adik mo pa yata sa libro ay nag-transmigrate ang maganda mong kaluluwa sa loob ng nobela, gaga! Aish! Kung alam ko lang sana sinunog ko narin ang copies ng nobelang 'yon— sa alaala ko. Yah! Hindi naman ako masyadong cruel sa mga minamahal kong libro, 'no!'

So let me tell you about this novel's content. Gaia ang pangalan ng mundo dito sa loob ng nobela. Kung hindi nagkakamali ang alaala ko, ang pangalan ng mundong 'to ay kinuha galing sa Greek mythology that represents the Earth Goddess.

Sa nobela ay hindi ni minsan na-mention ang mga kontinente kagaya ng Asia, Europe, o kung anuman ang nasa Earth.

Sa mundo na ito ay meron lamang tatlong kontinente. At ang bansa kung saan nakatira ang halos lahat ng karakter sa nobela— kung saan nakatira itong si Cosette ay parte ng pinakamalaking kontinente ng Gaia. Ang kontinente ay may pangalan na Vehino.

Sa kontinente na ito'y walang country na kilala sa pangalan na Pilipinas, Amerika, Korea, China, Japan, o kung ano-ano pang bansa na matatagpuan lamang sa Earth.

Iba ang pangalan ng countries dito. Pero may ibang languages dito na base sa language ng Earth, which is the very common English and Tagalog, then Spanish, Italian, and lastly French.

Sa kontinenteng may pangalan na Vehino ay may tatlong malalaking bansa na kilala ng lahat sa pangalang Emperoa, Moesia, at Peltas.

Ang country ng Emperoa is divided into three major islands and is the largest country. Parang katulad lamang sa pilipinas na Luzon, Visayas, at Mindanao. Iba lang talaga ang tawag sa mga islands dito.

Sumunod naman sa Emperoa ay ang Moesia. Ang Moesia ay may seven major islands. Twelve dapat lahat iyon pero ang largest island sa bansang iyon ay sinakop ang limang islands kaya naman naging seven nalang.

Masyadong greedy ang malaking island na 'yon sa Moesia. Akalain mong sobrang lawak na nga ng archipelago nila, kailangan pa talaga nilang sakupin ang kawawang mga maliliit na isla para mas mag-expand ng territory.

Ang ending non ay siyempre mapapabayaan na ang ibang tao na nakatira sa sinakop na mga bansa tapos kalaunan ay mamamatay because of neglection.

Kinikilabutan ako sa katalinuhan ko. Yah! Mahiya ka naman sa kakapalan ng mukha mo, gaga!

Anyway, panghuli naman ang bansang Peltas na may twenty-seven na islands. However, ang tatlong islands lamang ang well-known sa ibang bansa. 'Yon lang kasi ang palaging nafe-featured sa mga balita dahil sa mga matatalinong indibiduwal na doon nakatira. Ang apat na archipelago kasi na 'yon ang pinakamalaki at malawak na archipelago sa Peltas.

May apat na sector na sakop ang bansang ito: Government, Military, Business Empire, and Mafia.

Dito sa Emperoa, wala ng mas makapangyarihan, mas kinatatakutan, at mas mayaman na tao bukod sa main male lead at sa pamilya nito.

Obvious namang pinamumunuan ng President ang Government Sector. Ang President's Palace o tinatawag nila ditong Liberty House ay matatagpuan sa capital city ng Emperoa, sa Koda.

Ang Military Sect. nama'y pinamamahalaan ng mga high ranking officials ng military. Habang ang Business Sect. naman ay nasa pangangalaga ng mga Entrepreneurs.

And lastly ay ang Mafia kung saan namumuno ang Mafia Lord na kilala sa tawag na 'godfather'. He is more powerful than the President kaya naman kahit pa pasabugin nito ang anumang property sa Koda ay walang magagawa ang Presidente.

Napakamot ako sa ulo ko. Ang daming alam ng author na 'to, sumasakit tuloy ang ulo ko!

Ang lolo ng main male lead ang tinutukoy nilang 'godfather'. Pero kahit ang matandang 'yon ay takot sa main male lead. Ang lolo lang talaga ng main male lead ang may hawak sa bansa dahil walang interes dito ang mml.

Habang binabasa ko nga ang mga kasamaan nito sa nobela ay napapangisi nalang ako and at the same ay kinikilabutan. Lahat ng balahibo ko sa katawan nagsisitayuan dahil sa mga nabasa ko noon. Geez! The mml is really scary, I swear!

Unfortunately, I got transmigrated inside the novel and currently residing sa bansang 'to, kung saan humihinga ang halos lahat ng male leads.

Oo, mga male leads talaga! With a big fat S! Isa kasi sa hashtag ng nobela ay harem kaya naman pinanindigan talaga ng author ang paggawa ng maraming male leads.

Hindi makuntento si author na dalawa o tatlo lang ang mga umaaligid sa bidang babae na ginawa niya, kaya naman binigyan niya ito ng labing dalawang male leads!

Napaubo ako habang inaalala ang mga tagpo ng female lead sa mga lalaking 'yon. The author knows na ang mga kagaya kong manyak-- este reader ay siyempre gusto din iyong may R18 naman ang mga binabasa para dagdag thrill lang. Ahem!

So bilang isang mabuting anonymous author ay pinagbigyan niya kami. Akalain mong hindi lamang tatlo, lima o sampo ang mga male leads na ginawa niya, talagang gumawa siya ng labing dalawang male leads!

Mabuti nga ay nakaabot pa sa huli ng nobela ang female lead na hindi nawawasak— ang kaniyang puso. Kasi siyempre sa sobrang dami nila, iba-iba din ang mga ugali. Malay ba naming mga readers na saktan siya ng iba, 'di ba?

'Heh, nag-explain ka pang manyak ka!'

Anyway, sa sobrang dami nga ng sumusulpot na karakter sa nobela ay halos magdugo ang ulo ko noon habang nagbabasa.

Ilang ulit ko pa ngang binasa noon ang isang libro bago nagbasa ng mga kasunod na libro para lamang tumatak sa utak ko ang mga pangalan, characteristics, lugar, pangyayari, at kung ano-ano pang nakasulat sa nobela.

Hindi ko kasi talaga maiwasang makalimutan noon dahil nga busy din ako sa pag-aaral. Kaya nahahalo na ang lahat ng impormasyon sa utak ko. Natatabunan na ang mga una kong nabasa sa mga bago.

'No wonder nabaliw ka na ngayon, Alora! Sa dami mo ba namang binasang libro at minemorize na iba-iba ang genre ay siguradong masisira ang utak mo!'

Napahawak ako sa baba ko habang malalim na nag-iisip. Ayon sa nobela ay hindi pa naman ito ang araw na mamamatay si Cosette.

Though nasulat talaga sa nobela na nag-attempt siyang kitilin ang sariling buhay dahil sa selos, pero after a month ay magigising naman siya para ulitin ang kahihiyan niya sa buhay.

Kaya nakakapagtaka talaga kung bakit ngayon ay ako ang nandito. Baka naman temporary lamang akong papalit sa katawan niya tapos after a month her soul will come back to her original body.

Kung hindi naman babalik ang kaniyang kaluluwa, so anong gagawin ko dito? Bystander? Taganood lang ng live action dito sa paborito kong nobela, gano'n? Aish! Siraulo ka talaga author!

Magiging normal na siguro sa akin na sisihin ang author ng nobelang ito. Sino naman kasi ang sisisihin ko?

Alangan namang sisihin ko ang sarili kong tahimik lamang sa gilid at nahila lamang sa sitwasyon na ito!

∞∞∞∞∞

📖📌 Hello, folks! If ever na may mabasa kayong typos or grammatical errors, you can kindly comment it down and I'll try na ayusin kaagad. Thank you, mwaps! (⁠ ⁠˘⁠ ⁠³⁠˘⁠)⁠♥

Share This Chapter