Chapter Three
Firefighter Transmigrated into the Mafia Boss' Foolish Daughter
FTMBD
Ang kamay kong may hawak ng baril ay tinutok ko sa direksiyon ng lalaking kapatid ni Cosette. I noticed how he and Magdalena stiffened nang makita nila ang naging aksiyon ko.
"S--Sis, that weapon is dangerous. P--Please give it to Kuya," puno ng pagmamakaawa ang boses ni Magdalena habang sinasabi iyon.
Wow. Gusto ko sana siyang palakpakan dahil sa pagiging best actress niya ngayon kaso ay naalala kong ako nga pala ang kontrabida sa mga mata nila ngayon. I have my own role to play, so I need to stay focused.
Ngumiti ako ng inosente. They know what Cosette is capable of. Alam nilang matalino ang babaeng ito at hindi natatakot na gumawa ng kasamaan. She was born as a psychopath kaya valid naman ang reaction nila ngayong natatakot.
Cosette will never be their mafia father's favorite if she isn't that capable.
Hindi man kasali si Cosette sa mafia organization ng kanilang ama dahil narin ayaw siyang payagan ng huli, aware naman ang lahat sa galing nitong makipaglaban at gumamit ng baril.
Iyon nga lang, sa nobela ay mabilis lamang siyang napaikot ng main villainess. Grabe pala maging bobo ang mga taong kilalang matalino, todo bigay talaga sila sa katangahan.
"Ngayon na nga lang tayo ulit nagkita, Kuya, tapos ay sinisigawan mo na kaagad ako. Well, ano pa bang bago?" kunyaring nalulungkot kong sabi bago binaba ang kamay na may hawak na baril.
Halata naman na nakahinga silang lahat ng maluwag nang makita ang pagbaba ko sa baril. Mga naturingan na kasapi ng mafia organization pero matatakutin!
With their attitude, for sure sila ang unang mamamatay sa gitna ng bakbakan.
Binalingan ko ng tingin ang isa sa lalaking kapatid ni Cosette. This particular brother is quiet and observant, kaya alam kong delikado ako dito kapag may napansin siyang pagbabago sa akin.
Gusto ko din sanang magalit sa kaniya kagaya ng nararamdaman ko sa dalawang unggoy, pero kahit anong kalkal ko sa alaala ni Cosette ay wala talaga akong mahanap na dahilan para magalit sa lalaking ito.
Sa lahat ng mga kapatid ni Cosette, ito lamang ang may matinong pag-iisip. Kung hindi ko nga lamang alam na si Cosette ang bunso sa magkakapatid na ito ay baka isipin kong si Magdalena iyon.
Nagtataka nga ako, eh. Cosette's two older half brothers were twins. They're twins, pero ang twin nitong lalaking kaharap ko ay parang may seryosong problema sa pag-iisip.
Aerith Aino Cromwell and Dino Atticus Cromwell are identical twins. Pinanganak sa magkasunod na oras at parehong araw. Mas matanda sa oras si Dino. They're both 28 years old.
Seryosong tao si Aino habang kadalasan namang hindi mabasa si Dino. Si Aino iyong parang manok na putak ng putak kanina. I wanted to appreciate his concern and love for his sister Magdalena, but I couldn't bring myself to feel it.
Sinigawan ba naman ako as if alam niya ang totoong nangyariwithout even asking for the truth first?! Bias ang damuho, eh.
Nalalaman lang ng lahat kung sino ang sino sa dalawa dahil sakanilang pananamit. Aino loves wearing something light, while Dino loves dark stuff. Namana siguro ni Dino ang obsession sa mga maitim na bagay sa Lolo nila na ama ng kanilang ina na si Atty. Recardo Harreth Joaquin.
Isa pa sa pagkakaiba ng dalawa na walang kahit sinong nakakaalam bukod sa akin ay ang kanilang marka o birthmark.
May birthmark si Aino sa parteng malapit sa kaniyang kilay na hindi makikita kung hindi pagmamasdan maigi ang kaniyang mukha. While Dino has his birthmark on his left ear.
Ang narinig kong chismis noong nabubuhay pa ako bilang chismosang Alora, ang mga birthmark daw ang nagpapakita sa tao kung saang parte sila pinatay noong unang buhay nila.
Baka dating bully si Aino sa past life niya ta's sinaksak siya ng ballpen sa bandang kilay niya. Tapos dahil sa tinta ng ballpen kaya ngayon ay para siyang may tililing sa utak.
'Hahaha, puta ka talaga, Alora! Pagdating talaga sa pang-insulto ay nabubuhay ang dugo mo, eh, 'no.'
Kay Dino kaya, ano kayang nangyari? Don't tell me isa siyang pasaway na tao sa una niyang buhay at namatay dahil sa pagpingot ng kaniyang tenga?
Palihim kong pinilig ang aking ulo para mawala ang mga kagaguhan sa isip ko. Baka bigla na lamang akong matawa dito at mapagkamalan pa na nasisiraan ng bait. Well, baliw naman talaga ako pero gusto ko kasi lowkey lang.
I approached Dino and handed him the gun. Mas may tiwala ako na sakaniya ibigay ang baril kesa sa kambal niya. Mas panatag akong hindi nito ipuputok ang baril sa direksiyon ko. Sa kanilang dalawa ng kaniyang kambal, mas level-headed itong si Dino.
Tinitigan ako nito ng ilang minuto bago siya napahinga ng malalim.
He signaled me to follow him outside the room. I instantly followed him without saying any word since my room is a mess and I wanted it to be clean first.
Isa pa, ayaw ko din namang maiwan sa loob ng kuwarto na iyon kasama ang dalawang unggoy. Mukha pa lamang nila'y nawawalan na ako ng gana.
Their mere existence is already irritating enough. Kaya as much as possible ayaw kong naiiwan kasama sila, baka ma-adapt ko ang kind of thinking ng dalawang 'yon. Delikado.
We walk in silence until we reach their office inside the mansion. Nilibot ko ang tingin sa loob. The office is really big and spacious. Sabagay, there are two of them na gumagamit nito.
May nakita pa akong fireplace sa gilid. Sa sobrang lawak ng opisina na itl, puwede naring dito ganapin ang bawat pulong ng organisasyon.
Ang mga furniture dito ay katulad lamang sa mga furniture na nasa loob ng kuwarto ni Cosette, magaganda ang desinyo at halatang mamahalin.
The walls are painted a deep color. There are large windows that let in natural light, making everything look warm and nice. The floor is made of shiny wood and the ceiling is decorated with an obviously expensive chandelier.
Sa gilid naman ng office, may mga nagtataasang bookshelves that go all the way from the floor to the ceiling. Puno ito ng mga different kinds of books. Ang mga libro na nakikita ko ngayon ay nagpapakita na interesado sa maraming bagay ang kambal.
The office has some decorations that are obviously important to the brothers. Hindi naman siguro nila idi-display dito kung hindi importante? Ano 'yon, naisipan nilang masyadong malawak ang opisina na ito kaya magsasayang na lamang sila ng space?
May mga framed certificates from the military at iba pa na pictures showing their happy and successful moments.
They also have an old globe on a small stand near the bookshelves. Para bang reminder iyon na makapangyarihan sila't influencial dito sa kanilang lugar.
Edi sana all.
Right in the middle of the office, there's a huge desk made of dark, heavy wood. May tatlong baitang na hagdan bago ang lamesa nila. Ang neat at organized ng mesa nilang dalawa. Nahiya ang mesa ko noon sa fire station.
There are papers stacked neatly and a few items na siguradong ginagamit nila sa kanilang pagtatrabaho. They have expensive pens in a silver holder. Ginagamit nila ang mga pens na iyon to sign important papers or make secret deals.
Sa harapan ng desk, there are two big chairs covered in leather. Each chair is made for one of the brothers.
Aino has a strong and upright chair. Ang leather ng upuan nito ay dark and worn na, halatang he spends a lot of time sitting there. While Dino has a chair that's more modern and fun. It's also covered in leather, but it's a deep red color.
Ang mga papeles na nakapatong sa kanilang desk ay sa tingin ko'y tungkol sa family's business and the military trainees. The twins are both part of the ESLE or Emperoa Special Law Enforcement kasi.
ESLE is an organization that maintains law and order, promotes public safety, prevents and looks into crimes, and prosecutes violators. Trabaho ng mga normal na law enforcers, except sa hindi normal ang pamamalakad ng law dito.
Kagaya ng nabanggit ko ay parte ang dalawa ng ESLE. Kaya bukod sa angkin nilang kaguwapuhan, sikat sila sa mga kababaihan at binabae dahil sa angkin nilang galing sa pakikipaglaban at sa husay nilang magdala ng batas.
"How many members of the Cromwell residence have you killed this week?" panimula nito na para bang ang laki ng binibigay kong problema sakaniya.
'Gaga ka, kahit saan ka talaga mapunta ay stress at problema lamang ang dala mo sa mga tao! Heh! Kasalanan naman nila 'yan, kung bakit ba kasi ang drama ng mga buhay nila?'
"Hindi ko binibilang, eh. Sorry," I responded, my tone lacking sincerity.
He sighed sharply but didn't say a word. Napangiti nalang ako.
Since the patriarch of the family is not present at the moment, Dino is currently in charge of Cromwell Villa Regencia. Villa Regencia ang tawag sa mga mansion na pagmamay-ari ng kilalang pamilya sa nobelang ito.
Sa sobrang daming alam ng author, ako tuloy ang nahihirapan ngayon!
Anyway, doble ang trabaho ni Dino ngayon dahil naiwan sakaniya ang lahat ng gawain that should have been handled by the family patriarch and the butler. Dino was entrusted to oversee everything.
I told you, his thinking is more sensible compared to his twin.
Bukod sa stress niya dahil siya ang nagtatrabaho ngayon sa dapat na trabaho ng kaniyang ama at ng butler, stress din ito dahil kay Cosette at Magdalena. Wala kasing araw na hindi sila nagbabangayang dalawa.
Pero of course, always na natatalo si Cosette at siya ang lumalabas na masama sa mata ng lahat. Sa dami ba namang kahihiyan at kamalditahan na ginawa nito sa public, sinong maniniwala na hindi siya ang nangunguna sa away?
Tungkol naman sa tanong nito, the answer is tatlo pa talaga. Dalawa ngayong araw na ako mismo ang gumawa at isa noong buhay pa ang OG Cosette. The rest ay si Magdalena na ang may gawa pagkatapos ang pangalan ko lamang ang dinidiin.
"Dulcinea, are you listening?" kalmado ngunit may diin na tanong ni Dino. Dahil sa tanong nito ay napunta sa kaniya ang atensyon ko na kanina ay wala sakaniya.
'Lutang ka na naman, Alora. Naku! Maaga kang mamamatay kapag ganiyan ka palagi!'
Mabilis akong umiling. Let's be honest kasi alam ko naman na walang kuwenta kung magsisinungaling pa ako. Magmumukha lamang akong criminal sa harap ng abogadong may hawak na maraming ebidensya laban sa akin.
"Good that you're being honest," seryoso nitong sabi.
Nanatili akong tahimik. Naghihintay na mapagalitan. But instead of hearing any, I just heard him sighed. Yah! Grabe naman ang mga reaksiyon ng lalaking ito! Tsaka bakit ba ako lang ang kinakausap nito?
Kausapin din nila ang Magdalena na iyon. Kung hindi ba naman kasi bida-bida ang kapatid nila, buhay pa sana ang dalawang kasambahay na binaril ko sa bungo.
Masama na ba akong tao kung sasabihin kong kasalanan din naman nilang umabot sila sa ganoong sitwasyon? Ako pa talaga ang kinalaban nila.
Hindi ako nakaramdam ng konsensya sa ginawa ko. Alam ko kung gaano kasama ang pag-uugali ng mga kasambahay na iyon kay Cosette. Pasimple nila itong binubully dahil hindi naman ito nagrereklamo.
There was a time when Cosette thought that the members of the household were starting to be kind to her. Isa sa mga maid na sunod-sunuran kay Magdalena ang lumapit sa kaniya at binigyan siya ng isang regalo. They even made an effort to wrap it nicely.
But then, pagbukas niya sa box ay sabay na nagsitalon pababa ang mga palakang laman ng box. Cosette fainted. Takot ito sa palaka dahil minsan na siyang tinakot ni Magdalena noong bata pa sila.
Nadala niya ang kakaibang takot na iyon hanggang sa paglaki kaya sa tuwing nakakakita siya ng maraming palaka, nawawalan siya ng malay.
Cosette wanted to tell their father about it, but she didn't want to bother him while he was working. Napailing na lamang ako sa alaala na iyon.
This wicked woman isn't aware that if she were to ask their father for anything, he would do it. Mahal na mahal siya ng lalaking iyon, after all, Cosette is the child of his beloved who died during childbirth.
Her father always told her stories about his time together with her mother. Hindi napapansin ni Cosette pero pansin ng lahat na iba ang treatment ng patriach ng pamilya sa kaniya. She was being treated like a princess in a palace.
Kaya siguro hindi pinapansin si Cosette ng nanay nila Magdalenaâ baka nakikita siya nito as her competitor.
Some people truly have narrow minds. Ngayon alam ko na kung saan nagmana si Magdalena.
Si Cosette lang ang kilala kong may kakaibang taglay na talino pero mabilis mauto at tanga. Iyon ang isa sa mga trait nito sa nobela na kinainisan ko ng sobra. Palaban lamang ito kapag si Magdalena ang kaharap pero para itong tanga sa harap ng iba.
Nagbuntong hininga si Dino bago naupo sakaniyang leather chair. "Alright. Let's end the conversation here. You're dismissed," seryoso nitong sabi. Hindi na ako nito hinintay pang magsalita, he started working with the papers.
Magkapareho kami ng style ni Dino sa pagpapaalis ng bisita. Gawain ko din iyan noon para pasimpleng ipahiwatig sa kausap na ayaw ko na sa presensya nila.
I would pretend to be busy with the documents I was reading, even though my attention wasn't really on them. It was just a way to avoid further conversation with the guests, or even better, for them to leave me alone completely.
Gulat kunyari ko siyang tiningnan. "That's it? You won't lecture me, yell at me, say bad things about me, or throw insults at me like you normally do whenever I make a mistake?"
Kunot ang noong binalik nito sa akin ang kaniyang paningin. "When did I ever do that to you, Dulcinea? Yelling and insulting is such a poor thing to do." Ibig sabihin poor thing ang ginagawa ng kambal mo? "Now, leave," matigas na utos nito.
Napanguso nalang ako. Masama talaga ugali niya. But I prefer his attitude kesa sa kambal niyang walang magandang dulot ang mga sinasabi.
Aino always thought that Cosette was not affected by his words, but he didn't know how much she was hurting inside.
He didn't realize that his words were causing a huge impact on Cosette's mental and emotional well-being. They were the reason why their sister was seeking care and attention from others.
Aino would always get angry or criticize Cosette, even when she hadn't done anything wrong. Minsan ay nasasaktan pa niya physically si Cosette.
Habang palagi namang pinapamukha ni Magdalena kay Cosette that she was an illegitimate child. Ito ang dahilan kung bakit pati ang mga kasambahay ay minamaliit si Cosette, despite them witnessing how much the family patriarch loved her.
While Dino, although not doing anything wrong, would often ignore her. Minsan ay nasabihan na nito si Cosette na iwasan ang paglabas masyado sa villa regencia kung kahihiyan sa pamilya lang naman ang gagawin nito.
But it's okay! I'm fine with Dino's attitude. I used to be just like that too. I didn't care about how others felt. Well, even I would scold this girl!
I lowered my head to say goodbye.
Seryoso akong lumabas sa opisina ng kambal. Pero otomatiko na napangiwi ang labi ko nang bumungad sa akin ang pagmumukha ni Magdalena. Nakangisi pa talaga, nagmumukha tuloy siyang ewan.
Hindi ko talaga maintindihan anong nagustuhan ng mga tao sa kaniya. All about her just... sucks.
"How's the scolding? Did you receive a lot of insults today?" ngising tanong nito nang tuluyan na akong makalagpas sa kinatatayuan niya.
Hindi ba napapagod ang babaeng ito na makisawsaw sa buhay ng may buhay? Hindi naman ako toyo at suka na puwede siyang sumawsaw hanggang kailan niya gusto.
Kapag itong pasensya ko maubos, butas talaga gilagid nito.
'Kailan ka pa natutong magtimpi, Alora? Yah, hindi na ikaw 'yan. Pero congrats.'
Binigyan ko lamang siya ng tingin, pinapahiwatig sa kaniyang hindi kami close kaya bakit niya ako kinakausap. Masyado feeling close ang bruha.
Wala bang nagmamahal sa babaeng ito at si Cosette lamang ang ginugulo niya't pumapansin sakaniya? Kung doon nalang kaya siya sa kuya niyang unggoy kagaya niya, edi sana happy happy kami dito.
After ko siyang titigan ng isang minuto, I left her there without saying a word. I don't want to waste my time and saliva over a pitiful creature like her.
My time is precious, and my saliva is expensive enough that even if she sold her body and soul, she couldn't still afford it. Ha! Kahit mag-online selling pa siya ng sarili niya, hindi aabot ang kita niya para higitan ang priceless kong laway at oras!
'Bogo man ka uy! Priceless nga kaya paano mahihigatan 'yan? Minsan talaga ay nagiging bobo ka! But it's fine, palagi ka namang matalino, kaya ayos lang maging bobo minsan'
Napaubo ako sa naisip before I entered Cosette's room, didn't take a second's thought, and laid on my bed.
Ah! This day is definitely an exhausting day. I just want to cuddle my pillow, roll on my blanket, and curl up in my bed like a cocoon forever.
âââââ
ðð Hello, folks! If ever na may mabasa kayong typos or grammatical errors, you can kindly comment it down and I'll try na ayusin kaagad. Thank you, mwaps! (â  â Ëâ  â ³â Ëâ )â â¥