Back
Chapter 13

Chapter Eleven

Firefighter Transmigrated into the Mafia Boss' Foolish Daughter

FTMBD

(⁠-⁠_⁠-⁠;⁠)⁠・⁠・⁠・

S--SHIT.

Napakurap ako. Did I just... Oh fuck!

Napatakip ako sa buong mukha ko nang makita ang gulat na gulat na mukha ni butler Wan na ngayon ay marahan ng sinara ang zipper ng bag. Dumagdag pa ang natatawang mukha ni Miles na parang tuwang-tuwa yatang pinapahiya ko ang sarili ko.

Yah! Ang lakas ng pintig ng puso ko, parang sasabog na. Kinabahan ako do'n.

'Pero bakit sa dami ng isisigaw mong palusot ay 'yong nakakahiya pa talaga, gaga! Haish!'

"You're cute, big sis!"

"Oh no, stop! This is so embarrassing!" sabi ko, nakatakip parin ang dalawang palad sa mukhang namumula na yata ngayon. Nararamdaman ko kasi ang pag-iinit ng mga pisngi ko dahil sa hiya.

Naluluha ako. Totoo na talaga! Parang gusto kong umiyak tsaka magmukmok ngayon.

I was about to lift my head up when I calmed myself down nang bigla nalang akong matigilan dahil naramdaman ko ang paglutang ko. W--What the hell is happening?!

Wait... S--Shucks!

Nanlalaki ang mga mata ko tsaka mabilis na napakapit sa braso ni Dino when I realized that he is now carrying me in a princess style.

Mahigpit ang kapit niya sa bewang ko pero hindi naman iyong tipo na nasasaktan ako. Ang isa naman niyang braso ay nakaalalay sa likod ng dalawa kong tuhod.

Masyadong mabilis ang kilos niya kaya wala akong ibang nagawa kundi ang mapatitig sa malamig nitong mga mata. Nakatitig naman siya pabalik sa akin.

Dalawang minuto din siguro kaming nagkatitigan bago siya umiwas ng tingin para magsimulang maglakad.

Is it weird that I find comfort with the way he touched me? It's like a brother taking good care of his sister. A small smile creeps on my lips.

"P--Put me down," bulong ko dito pero hindi siya nakinig kaya napahinga nalang ako ng malalim.

Paglingon ko sa likuran niya ay nakasunod lang sa amin ang tahimik na si Aino, Miles, at butler Wan. Si Aino na seryosong naglalakad habang nasa bulsa ng pants ang mga kamay. Si Miles na seryosong naglalakad habang malayo ang tingin. At si butler Wan naman na nakangiwi ngayon habang hawak ang dalawang bag.

"I can walk, big brother," bulong ko ulit. Pero ayon, wala parin akong natanggap na sagot kahit 'no' man lang.

Sigh. Ganito talaga ang problema ng mga male leads sa librong 'to. Masyadong seryoso sa buhay ang mga animal na umabot sa puntong nahihirapan narin pati ang female lead na kausapin sila.

Mabuti nalang bida si Rose dahil kung hindi ay baka matagal narin siyang patay, yah!

All of them are serious and dangerous as hell! I shouldn't underestimate them or else I will not live for long inside this novel.

Casual ko nalang na sinandal ang gilid ng ulo ko sa malapad nitong dibdib. Mahigpit parin ang kapit ko sa balikat nito, takot na mahulog. Baka mamaya may demonyong bumulong sa kaniya tapos bigla niya akong bitawan, 'di ba? Mas mabuti ng handa ako.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto bago ko naramdaman ang malambot na kama sa 'king likod. Totoo ngang nakakaantok kapag naramdaman mo ang init ng kutson! Tapos may aircon pang sobrang lamig.

"Where should I put these bags, Young Miss?"

"Just put it in the corner, please," humihikab kong sabi, nakapikit parin ang mga mata.

"Sleep tight, big sis," malumanay na bulong sa akin ni Miles bago ko naramdaman ang pagdampi ng malambot nitong labi sa aking noo. Naks, may goodnight kiss galing sa cute na tiyanak!

Minulat ko ang inaantok kong mga mata nang maramdaman ang pag-angat ng kumot hanggang sa umabot ito sa aking leeg. Napangiti na lamang ako nang makita si Lyr. Kasama pala nila ang lalaki.

Dino, Aino, Miles, and butler Wan were standing on the side malapit sa pinto.

Y--Yah! Mukha man silang sweet ngayon sa paningin ng iba ay kakaiba ang hangin na nararamdaman ko ngayon! Pakiramdam ko kasi mga serial killer sila na minamanman ang mga kilos ko.

"You can now go," sabi ko bago tinago ang sarili sa ilalim ng kumot.

"Let's go," is the last thing I heard before the door closes.

Third Person POV

Mahimbing na ang tulog ni Cosette nang maramdaman niya ang mga presensya na pumasok sa kaniyang kuwarto. Lampas na ng hatinggabi pero mayroon paring naglakas loob na pasukin ang kuwarto niya gamit ang pinto ng balkonahe.

With her eyes still closed, Cosette focused on feeling her surroundings.

Naririnig niya ang mga hakbang nila, kahit pa sinisikap ng mga itong maglakad sa tahimik na paraan. Dahil sa training noon ni Cosette, mas malinaw ang kaniyang mga pandama kaysa sa karaniwang tao.

Though tao parin naman siya, mas heightened lang talaga ang senses niya due to her training before bilang siya pa si Alora.

Base sa naririnig niya, tatlong tao ang pumasok sa kaniyang kuwarto. Take note huh, hindi man lang nagpaalam. Mapapatawad pa sana niya kung nagpaalam ito, kaso hindi.

Nang maramdaman niyang may isa sa mga presensya ang mas lumapit sa kama at nagtangkang saksakin siya, agad siyang umikot sa gilid ng kanyang kama bago tumayo nang maayos sa harapan ng tatlong assassin na nagulat sa kaniyang mabilis na pag-ilag.

Sinuri ni Cosette ang kanilang mga posisyon at kilos, nag-iisip ng susunod na hakbang.

Nang mapag-aralan niya na ang mga ito, wala siyang sinayang na oras, mabilis siyang humakbang paabante, launching a lightning-fast kick towards the nearest assassin, catching him off guard.

Napangisi si Cosette nang maramdaman ng paa niya ang malakas na impact nito sa gilid ng assassin. Narinig nilang lahat ang pag-crack ng buto ng sinipa ni Cosette. Kaya bago pa man ito mapasigaw, Cosette already made a move.

Mabilis siyang nakalapit dito at tinusok ang karayom na nakatago sa kaniyang buhok. Tatlo ang karayom, lahat nakatusok ngayon sa batok ng assassin na nakaramdaman ng kakaiba sa kaniyang katawan.

"Am I being paralyzed?!"

Nang maka-recover mula sa kanilang pagkabigla sa mabilis na pangyayari ang dalawang assassin, they engaged Cosette in combat. Nagpalitan sila ng mabilis na suntok at sipa, bawat galaw ay halatang pinag-aaralan at mabilis.

Walang kahirap-hirap na iniiwasan ni Cosette ang bawat atake ng dalawang assassin na ngayo'y sabay-sabay siyang sinusuntok at sinisipa. Ang isa'y may hawak pang patalim. Cosette is using her agility to her advantage.

Sa tamang timing, Cosette managed to disarm one of the assassins, quickly causing his arm to dislocate with a well-executed joint lock.

He winced in pain, ngunit kagaya ng naunang assassin bigla na lamang nitong naramdaman ang pangmamanhid ng katawan, hindi niya ito magalaw.

Hindi maintindihan ng assassin ang nangyari. Kung paanong hindi siya makagalaw kung kanina ay maayos pa naman siya. Ang kaniyang braso lang naman ang nabalian, ngunit bakit apektado ang kaniyang buong katawan?

Ang hindi nito alam, may nakatusok na apat na karayom sa kaniyang batok that caused his body to be paralyzed.

Meanwhile, the other assassin tried to attack Cosette with a hidden dagger. Sensing the danger, she skillfully blocked the attack at the right moment, redirecting it away.

Without hesitation, she followed up with a rapid series of strikes, landing accurate blows that left her opponent disoriented and struggling to regain control.

Nang mapansin ni Cosette na balak na naman nitong tumayo, buntong hininga niyang hinagis ang anim na natitirang karayom papunta sa direksiyon nito.

Hindi iyon napansin ng assassin dahil sa sobrang liit niyon, hindi na nga nito naramdaman na tumusok na ito sa kaniyang batok.

Despite their initial advantage in numbers, nanalo parin ang petite na babae kesa sa kanila. Nakaluhod na silang tatlo ngayon sa harapan ng babaeng nakasuot pa ng victorian sleepwear at halatang inaantok pa ang mga mata.

Ni hindi man lang makita ng mga assassin na nahirapan itong makipaglaban sakanila! Hindi nga din sila aware na naiinis na pala si Cosette sa kahinaan nila.

'Yah! Iyon na 'yun? Wala man lang thrill? Magaling na assassin na sila sa ganoong galaw? Hindi man lang sila umabot ng isang oras! Tss, tss, I'm so disappointed'

Ngumiti ng inosente si Cosette sa mga assassin. Pero ang ngiting 'yon ay nagparamdam ng kakaibang kilabot sa mga kaharap niyang assassin. Hindi nila inaasahan na ganito kagaling sa pakikipaglaban ang babae.

Ayon sa nagbigay sakanila ng trabahong wakasan ang buhay ng babae, hindi naman daw ito marunong makipaglaban. Ganoon din ang lumabas nang gumawa sila ng research tungkol sa pagkatao nito.

She was even known as the Stupid Princess of Cromwell dahil puro katangahan lamang ang alam nitong gawin sa buhay.

"So sino itong kaharap nila ngayon?!"

Kinuha ni Cosette ang upuan sa kaniyang study table tsaka naupo sa mismong harapan ng tatlong assassin na nakaluhod.

"Aigoo~ Y'all look cute," malawak ang ngiting panimula ni Cosette na lumikha ng samu't saring reaksiyon sa mga assassin, though hindi nila ito maipakita o masabi dahil nanatiling paralisado ang kanilang mga katawan sa mga oras na ito.

"What cute?! You made our bodies paralyzed, stupid!" ang nais na isigaw ng mga ito na hindi naman nila magawa. Hindi nila malaman kung paano nagawa ng babae ngunit paralisado talaga ang kanilang mga katawan.

"I wanted to ask you some questions, but I'm getting really sleepy, and I can't question all three of you. Why don't we play a game instead? Do you agree? Of course, you agree!" excited na sabi ni Cosette, may pagpalakpak pa.

"Okay, let's start!" Tinakpan ni Cosette ang kaniyang mga mata gamit ang kanang palad. Ginamit naman niya pangturo ang hintuturo sa kaliwa. "Eeny, meeny, miny, moe, once I pick you, you can go!"

Hininto ni Cosette ang hintuturo niya bago inalis ang pagkakatakip sa kaniyang mga mata. Malawak siyang napangisi nang makita ang naturo niya.

"Since wala akong naituro, it means all of you will face the punishment I'll give you," nakangising sabi ni Cosette sa mga ito. "Thanks for cooperating though, and because you're all being quiet and well-behaved, I'll let you rest for now. Let's just continue the conversation tomorrow, okay?"

Kung kaya pa sanang magbigay ng reaksiyon ng mga assassin, baka kanina pa nakita ni Cosette ang unti-unting pagbagsak ng panga nilang tatlo. They are dumbfounded!

"What kind of game is that?! This woman is crazy!" Naisip ng tatlo na malamang tahimik at behave sila ngayon kasi nga may pumipigil sakanilang gumalaw at magsalita!

Tumayo si Cosette mula sa pagkakaupo para kunin ang cellphone niya sa drawer. Tinawagan niya ang numero ni Ian. Sigurado siyang nakauwi na ito mula sa mission na binigay niya dito.

"Miss? Why are you still awake?" Iyon ang kaagad na bungad ng lalaki sa kaniya na nagpangiti na lamang kay Cosette.

"I have trouble inside my room, can you pick them up?"

***

Cosette POV

"W--What is this?"

Pinag-cross ko ang aking mga braso tsaka pinagmasdan ang mga assassin na hindi parin gumagalaw. Makakagalaw narin naman ang mga iyan 26 minutes from now since isang oras lang ang epekto ng karayom sa kanilang katawan.

"Assassins, Ian. Someone was trying to harm me inside the regencia. Are our security measures really this weak?" kunot ang noong sabi ko bago siya binigyan ng nagtatanong na tingin.

Napalunok ito. "These assassins must be highly skilled, miss."

"Skilled or not, the security of the regency is still lacking. Tell them I will personally train them one of these days," seryoso kong sabi dito.

Ayaw ko sanang pakialaman ang mga securities since nakita ko naman ang capabilities nila noong pinagtrabaho ko sila sa improvised tent, but seeing these assassins in front of me right now, mukhang kailangan ko talagang mangialam.

"Copy, miss!" mabilis nitong respond bago hinarap ang tatlong assassins. "What do you want me to do with them?"

"Bring them to my Experiment Room, I will have to bother you na bantayan sila. In a few minutes, the poison I administered will lose its effect on their bodies, so it's better to restrain them there."

"Poison?"

Ngumiti ako. "I invented a new toxin that is crucial to the needles I possess. I put that poison into the needles, which I personally crafted, and then I pierce it into the back of my opponents' necks, rendering them paralyzed for one hour."

"Wow," ang tanging nasabi nito. May amazement sa reaksiyon ngayon ni Ian na ngayon ko lamang nakita. Napailing nalang ako. Mukhang may dadagdag na sa followers ko ah. Hahahaha!

"I know that I am amazing, Ian, but I really need you to get them out of my room since I really need to sleep."

"Oh, I'm sorry, miss. Right away!"

Pinagmasdan ko si Ian na buhatin ng walang kahirap-hirap ang dalawang assassin sa kaniyang braso habang ang isa nama'y kaawa-awa niyang hinila palabas.

Buntong hininga akong kumuha ng panglinis. Good thing ay nagtatago nang mga panglinis si Phobi dito sa loob ng kuwarto para daw hindi siya maubusan. Pagod at inaantok kong nilinis ang mga dugo na naiwan bago nahiga sa kama.

Malalagot talaga sa akin ang nag-utos sa mga assassin na iyon. Aba'y pinagod ako na gusto lang naman sanang magpahinga! Humanda ka talaga sa 'kin!

***

"Where are my brothers?" tanong ko kay Phobi matapos kong kainin ang aking breakfast-in-bed. Oh bakit? Social ako kaya dapat may pauso akong ganito.

And I woke up late, it's already past noon. I guess you can call this meal my brunch.

Late na akong nagising dahil sa nakakapagod na pangyayari kaninang midnight. Pinaglinis ba naman ako ng mga dugo nila!

"Based on what I know, they left early this morning. Lord Cromwell, on the other hand, is expected to return tomorrow. As for Young Miss Magdalena and Madame Olivia, they left early to have their nails done in preparation for the upcoming birthday banquet," detalyadong report nito sa akin kahit ang mga lalaking kapatid ni Cosette lang naman talaga ang concern ko.

Anyway, it's good that I'm left alone today. I can focus on my plans for the day.

"Phobi, you can leave me now and check on the dresses that I asked you to have tailored the other day. I'm sure some of them are already finished. Retrieve them and give the seamstress an advance payment."

"Understood, milady!"

Tinulungan muna ako nito sa mga gagamitin ko. Nang makita nitong maayos na ako'y tsaka ito nagpaalam na aalis na. Habang ako naman ay nagtungo na sa experiment room.

"You can't make us talk! Patayin mo nalang kami!"

Ang sigaw na iyan kaagad ang bumungad sa akin pagpasok ko ng Experiment Room ni Cosette.

Cosette's experiment room is a well-organized space with cabinets on the sides that contain vials filled with different types of poisons. Each cabinet is labeled, clearly indicating the contents inside.

May mga ilaw na nagbibigay ng sapat na liwanag. Ang pader na nasa likuran na parte ay nagpapakita ng mga charts, diagrams, and research notes related to poison development and experimentation.

May PPE's din sa gilid para masigurado lang na nasa maayos parin na kaligtasan si Cosette habang gumagawa siya ng mga lason. Ganoon siya kagaling at handa!

The cabinets are neatly arranged, showcasing a variety of vials. Ang mga labels sa kabinet indicates the specific type of poison it holds, including potent neurotoxins, paralyzing agents, hallucinogens, and lethal mixtures.

These labels serve as a quick reference for Cosette and provide important information about the properties and effects of each poison.

Kasama din sa label kung ano ang level ng poison and kung saang kategorya ba ito kasama; low-level, moderate, dangerous, lethal.

Noong una ko itong makita ay namangha talaga ako. Napaisip din ako kung bakit gusto pa ni Cosette na gumawa ng lason na kasing delikado ng mga naimbento na lason sa mundong ito kung may mga lason naman siyang nagawa at magagawa pa na mas delikado at hindi din kilala ng lahat.

Ang bobo niya sa part na 'yon. Dahil lamang gusto niyang higitan ang mga lason na nagawa sa mundong ito kaya binabalewala niya ang sariling gawa.

Hey! Mas maganda kaya na ang lason na gagamitin sa kalaban ay iyong hindi nila kilala o hindi pamilyar sakanila para wala silang lunas na mahanap!

Bumalik ang atensyon ko sa tatlong ipis na nakaupo sa bakal na upuan habang may malaking chains na nakapalibot sa kanilang katawan.

Yah! Sineryoso talaga ni Ian na dapat nakatali sila para hindi makatakas, gumamit talaga ng kadena!

Ano nga ulit sinigaw ng isang ipis na ito kanina? They won't talk daw at mas maiging patayin ko nalang sila? Ayaw ko nga.

Lumapit ako kay Ian tsaka nilahad ang aking palad. Pinatong niya doon ang tatlong panyo. Naglakad ako patungo sa likod ng mga ipis na halata ang panginginig ngayon.

Anong ginawa ko sa mga ito para manginig sila ng ganiyan? Ang oa!

Isa-isa kong tinalian ng blindfold ang tatlo. Nang matapos ay bumalik ako sa harapan nila. Napangisi ako habang pinagmamasdan ang paggalaw nila, pilit makaalis sa pagkakatali. Sumisigaw din ang mga ito as if naman may makakarinig sakanila.

Masyadong makapal ang pader ng experiment room ni Cosette kaya kahit may sumabog pa ngayon dito sa loob, walang maririnig ang mga tao sa labas. Sinadya itong gawin upang walang amoy na lumabas kapag gumagawa siya ng lason.

I breathe heavily. Ah, when was the last time I had the opportunity to inflict pain on someone? This is definitely going to be enjoyable!

There's something undeniably satisfying about punishing those who deserve it, you know. Hehe!

∞∞∞∞∞

📖📌 Hello, folks! If ever na may mabasa kayong typos or grammatical errors, you can kindly comment it down and I'll try na ayusin kaagad. Thank you, mwaps! (⁠ ⁠˘⁠ ⁠³⁠˘⁠)⁠♥

Share This Chapter