Chapter 10
Goal on the Pitch
Ang sabi ni Kuya Jaspi, masaya ang highschool dahil maraming mga bagay ang darating na hindi mo inaasahan. Iyong research namin, inaasahan ko na iyon kaya ba hindi ako masaya..?
Ngunit ang hindi ko talaga inaasahan ay ang kumain ng pananghalian na may kasama. Hindi ko masundan kung paanong isang araw ay bigla na lamang akong may kasalong kumain.
"Ito, akin na!" malawaka ng ngiti sa labi na sambit ni Kyle bago kunin ang napritong itlog sa pinggan ni Cleo.
Bumusangot si Cleo. Walang sali-salita niyang tinusok ang ham na nasa pinggan ni Kyle at isinubo.
Kanina pa sila nag-aagawan ng ulam. Halos pareho naman sila ng ulam na binili.
"Sa inyo na lang itong akin," malumanay kong al9k at inilapit sa kanila ang pinggan ko. Hindi ko pa nagagalaw ang hotdog at ham sa pinggan ko. Iyong gulay lamang ang inulam ko.
Tutusok na sana ni Cleo sa pinggan ko nang mabilis na hinampas ni Kyle ang braso nito. Kinuha niya ang hawak ni Cleo na tinidor at tinusok ang lahat ng ham na nasa pinggan niya. Inilapag niya ang tinidor sa pinggan ni Cleo bago tumingin sa akin. "Huwag kang magbibigay ng pagkain dito kay Cleopatra, Isa. Marupok 'to lalo na kung may pagkain."
"Ck?" Humarap si Cleo kay Kyle. "Kaibigan mo ako kaya magsasabi ako ng totoo sayo, ah? Minsan, kailangan mo ring itikom iyang bibig mo lalo na kung mabaho ang lumalabas."
"Kapal mo!" Pinalis ni Kyle ang mukha ng kaibigan gamit ang palad. "Three times a day ako mag-toothbrush, uy! Pangit rin ng mukha mo, sinabi ko bang itago mo?"
Love language ba nila ang i-bully ang isa't isa..? Mukha kasing hindi naman sila nasasaktan sa mga salitang binabato nila sa isa't isa at mukhang normal lamang iyon.
"Pangit?" hindi makapaniwalang bulalas ni Cleo. Humarap siya sa akin na seryoso ang mukha. "Isa, pangit ba ako?" Napakaseryoso ng kaniyang boses na para bang napakaimportante ng tinatanong niya. Tila ba nakasalalay roon ang kaniyang buhay.
Umiling ako.
"Pakisabi nga iyan diretso kay Crisostomo Ibarra." Madrama niyang sinambit ang pangalan ng kaibigan at tinignan ito.
Kahit na naguguluhan ay tumingin tumingin ako kay Kyle. Kunot ang kaniyang noo. "Kyle... N-napakaguwapo ni Cleo. Araw-araw."
Malakas na humalakhak si Cleo. Pakiramdam ko nga ay may ibang estudyante pang tumingin sa direksyon namin. "Selos ka? Inggit ka? Bleh!" Inilabas niya ang dila kay Kyle. Muli siyang humarap sa akin. "Isa, crush mo ba ako?"
"Huh? Hindi!" mabilis kong tanggi at umiling. "Hindi kita crush.."
"Pero guwapo ako, 'di ba?"
"Hm." Isang beses akong tumango.
"Eh, ako, Isa?"
Napalingon ako kay Kyle nang bigla siyang humilig palapit sa akin. "Guwapo ba ako?"
Tinignan ko siya nang mabuti. Kung tutuusin, kakaiba ang itsura niya. Kakaiba na sa unang tingin, makukuha niya talaga ang puso ng isang babae. Lalo na at napakagaan lamang ng awra niya. Napaka-friendly..
"Hm. Guwapo ka," mahinhin kong saad at maliit na ngumiti.
"Isa, Isa." Mabilis na sambit ni Cleo sa pangalan ko at humilig rin palapit sa akin. Pareho silang nasa tapat ko. "Sinong mas guwapo sa amin?" Nguniti siya at bahagyang itinaas ang mga kilay.
Ayokong magkumpara.. May itsura naman silang pareho.
"Hoy! Huwag mo ngang i-pressure si Isa!" Binatukan ni Kyle ang kaibigan at umayos ng upo. Tumingin siya sa akin. "Isa, hayaan mo na siya. Kain na lang tayo."
Tumahimik sila nang magpatuloy kaming kumain. Ang akala ko ay tatagal iyon hanggang sa matapos kami ngunit hindi pala.
"Isa, kamusta pala iyongâ" Hindi nagawang tapusin ni Cleo ang sinasabi nang hawakan ni Kyle ang kaniyang balikat. Pareho kaming napatingin sa kaniya. "Bakit na naman?" tunog panog na tanong ni Cleo rito.
"Anong sinabi mo?" kunot ang noong tanong ni Kyle.
"Tinatanong ko is Isa," paanong na sagot ni Cleo.
"Iyong unang word na sinabi mo."
"Unang word?" Tumingin si Cleo sa akin at hinilig ang ulo sa gilid. "Isa."
"Bakit mo siya tinatawag na Isa?" madramang tanong ni Kyle.
"Kasi mahaba iyong Isabella?"
Gumuhit ng linya ang mga labi at mata ni Kyle.
"Tsaka, bawal ba?" Pinalis ni Cleo ang kamay ni Kyle sa balikat niya. "Ako kaya ang naunang tumawag no'n sa kaniya. 'Di ba, Isa?"
Ngumiti ako at tumango. Isabella ang tawag sa akin ng mga guro at kaklase namin. Noong una ay nakakapanibagong marinig ang pagtawag ni Cleo sa akin nang ganoon pero nasanay na lamang ako. At sa tingin ko, unti-unti naman na kaming nagiging malapit. Sa totoo lang, kung mararapatin, nais ko siyang maging kaibigan.
Nakaramdam ako ng pagkabog sa dibdib ko nang mapansing maraming mata ang nakatutok sa direksyon namin nang maglakad na kami palabas. Karamihan sa kanila ay nakakunot ang noo sa akin. Kahit na mahina at malayo ay naririnig ko rin ang ibang nagbubulungan. Tinatanong kung bakit ako kasama nina Cleo at Kyle...
Napayuko ako at nilaro ang mga kamay. Hindi ko kayang makita ang kanilang mga tingin kaya naman itinuon ko ang aking pansin sa daan.
Alam ko ang ganitong eksena sa mga nababasa ko. At hindi kaaya-aya ang susunod...