Chapter 16
Goal on the Pitch
With the feeling of someone seems to follow me, my steps were fast but slow as if trying to get me out of his sight but still trying to act cool. Yes, he. I'm confident it is him. Alam ko ang pakiramdam ng presence niya at ramdam na ramdam ko iyon. I really don't get him. Aligid siya nang aligid na para bang nags-spy.
My feet stopped stepping when I felt someone pulled up the handler of my bag. I could feel how my bag's weight lighten.
I greeted my teeth to stop the building of rage in my system. Hindi niya talaga ako titigilan sa kalokohan niya, ano?
"Hands off," mariin kong sambit. Naghintay ako ng limang segundo. Hindi na ako nasorpresa pa nang hindi niya binitawan ang bag ko.
Nagbuga ako ng hangin. Kapag ako hindi nakapagpigil, susuntukin ko na lang siya sa mukha at sisikmurahan.
"My whole being desires to help you."
Hindi ko napigilan ang aking mga labi na kumurba nang maramdaman ang kiliti sa aking puso.
"Uy, Isa!"
Napaangat ako ng tingin nang marinig ang mabilis niyang mga yapak palapit sa akin.
Kalahating-takbo ang kaniyang ginawa kaya naman hindi siya hinihingal nang maupo siya sa aking tabi. "Iyan pa rin ba iyong kinuwento mo sa 'kin noon?" tukoy niya at tinignan ang libro.
"Oo," bahagya kong sagot. Ibinaba ko ang libro sa aking kandungan at itinutok ang aking atensyon sa aking katabi. "Alam mo ba.. nagpapakita na ng mga senyales si Keance kay Hani na gusto niya ito. Naiintindihan naman iyon ni Hani pero.. ayaw niya iyong i-entertain."
"Bakit naman? Wala ba siyang gusto kay Keance?" umiiling niyang tanong habang nakanguso.
"Hindi," salungat ko. "Dahil nagugustuhan na rin niya rin si Kean."
"Eh, bakit ayaw niyang pansinin ang feelings ni Keance?"
"Dahil gusto niya itong.. i-hate."
"Huh?" madrama niyang sigaw. Napatingin nga rin ang ibang tao sa amin.
Nagtikom ako ng bibig. Ang oa niya..
Tumingin ako sa kaniya at nakitang nakatingin siya sa akin at ang mga mata ay naghihintay.
"May priority kasi siya," tugon ko. "Kailangan niyang magtapos bilang valedictorian. At ayaw niyang maging dahilan ang nararamdaman niya kay Kean para hindi niya iyon maabot. Iyong matalo siya dahil mas magaling si Kean sa kaniya, matatanggap pa niya pero iyong dahil sa nararamdaman niya, hindi."
Nalaglag ang kaniyang panga at humagip ng hangin. "Sabagay.. Naiintindihan ko si Hani."
Tumango ako. Lahat naman ng tao ay may kani-kaniyang mga bagay na kailangang abutin. At para kay Hani, hadlang si Kean.
"Isa, kapag natapos po nang basahin iyan.."
Lumingon ako sa kaniya.
"Pwede ko bang hiramin?" Ngumiti siya nang malapad at pinakinang ang mga mata.
"Gusto mo ring.. basahin?"
"Oo! Gusto kong malaman kung ano pang mga mangyayari."
ð¯ðð§ð¢Ö´à»ð¦
"Ingat sa pag-uwi, Isa!" masiglang sambut ni Cleo at kumaway pa bago kami maghiwalay ng daan. May pupuntahan kasi siya at ako naman ay tutungo sa locker namin.
"Paalam," sagot ko.
Naglakad ako patungo sa locker. Kinuha ko ang lahat ng libro roon at inilagay sa bag ko. Nang isuot ko na iyon, nararamdaman ko ang biglang pagbigat niya mula kanina. Kahit na mabigat ay kailangan kong tiisin. Sanay naman ako sa bigat.
Pagkababa ko ng aming building ay nadatnan ko si Kyle na nakatayo sa isang gilid.
"Hi, Kyle," bati ko.
Mabilis siyang tumabi sa akin. "Uwi na tayo!"
Sabay kaming naglakad palabas kasabay ng ibang estudyante.
"Bakit parang extra ang bigat ng bag mo ngayon?" puna niya bigla. Tinapunan pa niya iyon ng tingin.
"Uh.. Iyuuwi ko iyong ibang libro namin. May mga quiz kasi kami bukas," malumanay kong tugon.
Binagalan niya ang kaniyang paglalakad dahilan para mas mahuli siya sa akin.
Napatigil ako sa paglalakad nang maramdaman ang biglang paggaan ng aking bag. Nang lumingon ako sa aking likod ay nakita ko si Kyle na nakahawak sa buhatan ng aking bag
"Tulungan na kita," usal niya habang nakatingin sa akin nang seryoso.
"Ayos lang, Kyle. Kaya ko naman."
"Tama ka. Kaya mo nga pero hayaan mo akong tulungan ka, okay?"
Napakurap ako nang may pumasok na eksena sa aking isip. Iyong binabasa ko kanina. Ganito rin iyon. Sina Hani at Kean...
"S-sige."
Marahas akong umiling sa aking utak upang iwaksi ang naiisip. Nagtutulungan naman ang magkaibigan kaya ayos lang. Pero.. Magkaibigan na ba kami?