Chapter 26
Goal on the Pitch
Mahirap maghanap ng ireregalo sa isang tao lalo na kung wala kang maisip at hindi mo apam kung ano ang hilig niya. Laking pasalamat ko sa ipinagawa ng Student Council kaya naman hindi na ako nahirapan pang maghanap ng ireregalo sa nabunot ko sa aming klasrum. Pati na rin kina Cleo at Kyle.
Dala ang dalawang regalong natanggap ay naglakad na ako at tumungo sa soccer field. Ang mga estudyanteng nakakasalubong ko ay mukhang pauwi na rin dahil may mga hawak na ring regalo. Ang iba pa nga ay mayroong hawak na paper plate na napatungan rin ng paper plate.
Naramdaman ko ang bahagyabg pagtaas ng aking mga kilay kasabay ng aking pagtingin pabalik sa daan. Ang gaganda ng kanilang mga suot. Halatang pinaghandaan sapagkat hindi lamang simpleng bestida at polo. May ayos pa ang kanilang buhok. Halatang pinaghandaan nila ang araw na ito.
Hindi naman ako nakakaramdam ng inggit. Bagkus ay masaya akong makitang kaya nilang i-express ang mga sarili at magpaganda. Hindi kasi ako mahilig magpaganda. Kung anong mayroon ako, iyon na lamang ang isusuot ko.
Pajama party ang theme ng klase namin kaya naman nagsuot lamang ako ng ternong pajamang ang kulay ay magaan na asul. Ang iba sa amin ay mukhang mga pasyente sa ospital. Natatawa lamang ako kapag naiisip iyon.
Mula sa hindi kalayuan ay natagpuan ko ang pigura ng isang lalaking nakaupo sa isang bench. Nasa ilalim iyon ng puno kaya naman ay mayroong lilim.
"Ang dami mo namang regalo.." puna ko nang makalapit. Tiningnan ko ang mga regalo sa gilid ng bench. Parang bundok iyon ng mga regalo ni Santa.
"Galing sa fans ko," nakangiti niyang sambit. Tinaad at babaan pa nga niya ako ng kaniyang kilay.
"Yabang..?" mahinhin kong bulalas.
Sabay kaming natawa sa kung ano man. Umupo ako sa kaniyang tabi at ipinatong ang mga dalang regalo sa aking kandungan. "Ito ang akin," nakangiti kong ipinakita ang tinutukoy.
"Kanino galing?" Pumihit siya paharap sa akin.
"Kay Steven itong isa." Bahagya kong itinaas ang paper bag na mayroong eleganteng disenyo ng christmas balls. "Siya ang nakabunot sa akin. Tapos itong isa naman ay galing kay Cleo." Bahagya ko ring tinaas ang paper bag na mayroong maraming mukha ni Santa Claus at deer.
"Pangit talagang taste niya pagdating sa ganiyan," pahayag niya at umiling-iling. Ang mga matang nakatitig sa regalong ibinigay ni Cleo ay mayroong panghuhusga. "Buti na lang, hindi sa babae."
Babae..? Mayroon na rin bang nagugustuhan si Cleo? Iyon kayang babaeng hinabol niya noong minsan namin siyang nakita mula sa library..?
"Puwede ko bang tignan iyang mga binigay sa 'yo?" tanong ko at bahagyang tiningnan ang bundok ng mga regalo niya.
"Sige. Heto."
Nagsimula siyang pulutin ang mga regalo at binigay sa akin. Ineksamina ko lamang ang mga iyon at hindi binuksan. Ang iba ay nakakahon at ang iba naman ay naka-paper bag. Tuwing nakakahon ang binibigay niya ay sinusubukan kong kulugin o 'di naman kaya ay pinipisil upang magkaroon ng ideya kung anong laman. Ang mga naka-paper bag ay sinusubukan kong silipin mula sa bukasan. Mayroon pang mga naka-maliit na envelope na halatang love letter, patunay na marami ngang nagkakagusto sa kaniya
"Gagamitin mo ba lahat ito?" tanong ko.
"Hindi. Ipapamigay ko sa lugar namin. Ayoko talagang binibigyan nila ako lalo na kapag hindi ako nakakapagbigay pabalik kaya pinapamigay ko na lang. Mas kailangan nila ang mga ito kaysa sa akin, eh."
Tumango na lamang ako.
Bahagya akong napaigtad nang bigla na lamang may lalaking tumayo sa aking harapan. Hindi ko pa nagagawang tingnan kung sino siya ay iniunat na niya ang kaniyang kamay. Halos tumama sa aking mukha ang bouquet na siyang kaniyang iniaabot. Napaatras tuloy ako ng upo dahilan upang mapasandal ang aking likuran.
"P-para sa 'yo po." Tuwid na tywid ang kaniyang boses kahit na nautal pa siya.
Itinagilid ko ang mukha upang makita kung sino siya. Mukahng mas bata siya kaysa sa akin. Maamo ang kaniyang mukha at maganda rin ang kaniyang buhok. Medyo payat siya pero matangkad.
"P-para saan?" tanong ko nang hindi inaalis ang tingin sa bouquet.
"Gusto kita, Ate Isabelle!" sigaw niya na tila ba isang sundalo na sumasaludo sa kaniyang boss.
"Huh?" Nalaglag ang aking panga sa kaniyang sinabi. Hindi agad iyon naproseso ng aking utak. Anong sinabi niya..?
"Merry Christmas po!" sigaw pa niya at inilapag sa aking kandungan ang bouquet. Pagkatapos ay kumaripas siya ng takbo na para bang wala ng bukas. Sa ilang segundo lamang ay nawala na siya sa aking paningin.
"Ano iyon?" rinig kong natatawang tanong ni Kyle.
Doon ay nahigit ko pabalik ang aking hininga. Kumakabog ang aking dibdib sa hindi malamang dahilan. Ito ang unang beses na mayroong magsabi sa akin ng ganoon.
Nahulog ang aking tingin sa bagay na iniwan niya sa aking kandungan. Bouquet iyon ng ballpens, lapis, correction pen, correction tape, at iba pang maaaring magamit rito sa paaralan.
"Torpe lang?"
Napaangat ang aking tingin kay Kyle sa kaniyang tinanong. "Kyle, ganon ka rin, eh..."
Natigilan siya sa pagtawa at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. "Ano? Ako? Torpe? Hah!" Umirap at sumingjal siya sa hangin bago tumingin sa akin. "Oo.."
Hindi ko napigilan ang paglabas ng pagtwa mula sa aking labi dahil sa kaniyang tinuran. Ang akala ko ay itatanggi pa niya.
"Regalo ko pala para sa 'yo," aniya pagkatapos tumawa. Inabot niya sa akin ang isang kahong kutis ang kulay na mayroong ribbon. CMerry Christmas, Isa."
Nakangiti ko iyong tinanggap. "Maraming salamat, Kyle. Para sa iyo." Iniabot ko naman sa kaniya ang isang paper bag na mayroong dnowman na disenyo. "May contribution diyan sina lola at Kuya Jaspi."
Simpleng abong hoodie at towel lamang ang laman noon. Hinabian ni lola ang mga iyon ng pangalan ni Kyle.
Malawak ang kaniyang ngiti nang matanggap ang regalo ko. Niyakap niya iyon nang mahigpit. "Thank you very muchie, Isabelle. Siguradong magiging happy ang Christmas ko nito."