Back
/ 38
Chapter 6

Chapter 4

Goal on the Pitch

"Nakausap ko na iyong kaibigan ko. Payag na raw siyang magpa-interview sa 'yo." Iyan ang unang ibinalita sa akin ni Cleo matapos niya akong batiin nang makaupo ako. "Puntahan mo na lang siya para magpaperma ng consent form."

"Hm. Pupuntahan ko siya mamaya. Salamat, Cleo," sagot ko at inayos ang bag.

Nakakapanibago.. Tuwing umuupo ako pagpasok ng classroom ay wala talagang bumabati o kumakausap sa akin. Dati ay nasa gitnang parte ng classroom ang upuan ko pero pinalitan ng adviser namin ang seating arrangement namin para sa second semester.

Muli siyang humarap sa akin kaya napatingin ako sa kaniya. "Ang pangalan pala niya ay Crisostomo." Gumuhit ang isang mapaglarong ngiti sa labi niya na hindi ko alam ang ibig sabihin.

Munti akong tumango at nagpasalamat muli. Pakiramdam ko, ngayong si Cleo na ang katabi ko, mukhang magkakaroon na rin ng ingay sa paligid ko.

***

Nang matapos ang klase namin sa hapon ay tinungo ko ang soccer field na buhat-buhat ang bag ko. Malayo pa lamang ay nakita ko na ang mga estudyanteng naglalaro. Takbo-lakad sila habang hinahabol ang bola sa lupang nadamitan ng berdeng damo. May dalawang player sa magkabilang gilid kung nasaan ang mga tila kahon na gawa sa net.

May malapit na bench sa gilid ng field kaya pumunta ako roon at umupo. Inabala ko ang sarili sa panonood sa kanilang paglalaro. Hindi ko alam ang mga patakaran sa larong ito ngunit nakakatuwa lang na panoorin silang nag-aagawan sa bola. Ang iba sa kanila ay nakasuot ng jacket at ang iba ay naka-t-shirt lamang.

Nang matapos sila sa paglalaro ay umupo sila sa isang gilid malapit sa akin. May isang gurong nakatayo sa harapan nila na mukhang coach nila. Nagsasalota siya at base sa naririnig ko ay may inaaanunsyo ito.

Nakita kong naglakad na paalis ang coach nila at sa direksyon ko siya tumungo. Tumayo ako at naglakad para salubungin siya. "Magandang hapon po," mabagal kong bati.

Tumigil siya at ngumiti. "Good afternoon din! May kailangan ka ba rito?"

"May itatanong lang po sana ako sa inyo."

Simple siyang tumango upang sabihing ayos lang.

"Sino po iyong Crisostomo?" tanong ko. "Siya po kasi ang interviewee ko para sa research namin."

Tumingin siya sa mga nakaupong manlalaro kaya napatingin na lang rin ako sa kanila. "Tara." Sinundan ko lang siya nang magsimula siyang maglakad papunta ro'n sa mga manlalaro niya.

"Crisostomo raw! May naghahanap sa 'yo!" malakas niyang sambit sa harap ng mga manlalaro.

Bahagya akong nakayuko habang nakatingin sa kanila. Nakakahiya naman. Nasa harapan nila akong lahat dahil dito dumiretso ang coach.

Kaagad na umugong ang reaksyon ng mga manlalaro na hindi ko maintindihan.

"Crisostomo narito na ang Maria Clara mo!"

Nais ko sanang sabihing hindi Maria Clara kundi Isabella ang pangalan ko ngunit hindi ko magawa dahil paniguradong hindi nila maririnig ang boses ko. Isa nga akong Mariah ngunit hindi isang Clara.

"Hoy, Crisostomo! Sinusundo ka na ni Maria!

"Nasaan na ba kasi iyang Crisostomo na iyan? Bakit may sumusundo?"

Bahagyang tumaas ang mga kilay ko sa narinig. Hindi ko naman siya sinusundo..?

Napadako ang paningin ko sa manlalarong tumayo at tinapik ang mga kamay na sinubukan siyang hawakan. Tumingjn siya sa akin at naglakad patungo sa puwesto ko. Siya iyong kausap ni Cleo noon.

"Langya talagang Cleopatra iyon," rinig kong bulong niya sa hangin at tinignan pa nang masama ang direksyon ng building namin.

Nakasuot siya ngayon ng jacket na pinatungan ng jersey, iba sa suot niya noong una ko siyang makita. Bagsak ngayon ang buhok niya at basa pa ang dulo noon. Sa kabila no'n ay nagawa pa rin niyang ngumiti sa akin.

Lumayo kami nang kaunti mula sa ibang manlalaro. Nang tumingin ako sa kanila ay halos sabay-sabay silang tumingin sa iba't ibang direksyon. Ang iba ay nagkunwari pang nag-uusap. Ang coach naman nila ay nakaupo sa tabi lang nila.

"Kumusta?"

Tumingin ako pabalik sa kaniya. Nakatingin siya sa akin. "Huh?" Iyon ang tanging lumabas sa bibig ko.

Nakangiti siyang umiling. "Ano'ng pinunta mo rito?"

"Ah, ano.." Lumikot ang mga mata ko sa paligid pero agad ko iyong binalik sa kaniya. "Ako nga pala si Isabelle Fuertes." Inabot ko ang aking kamay.

Ipinunas niya muna ang kamay sa laylayan ng damit bago iyon ihawak sa akin. "Crisostomo Kyle Ibarra."

Maliit akong napangiti sa pangalang binanggit niya. Kaya pala siya kinakantsawang Crisostomo Ibarra dahil isa nga namanh Crisostomo Ibarra.

"Ako ang na-assign para i-interview ka. Si.. Cleo Gallego ang pinuno namin," litanya ko nang pareho kaming bumitiw. "Sinabi niyang pumayag ka na raw pero para sa formality, kailangan naming magpaperma." Dahan-dahan lang ang pananalita ko dahil ayokong mabulol.

Kinuha ko ang isang papel mula sa bulsa ng bag ko at iniabot iyon sa kaniya. Nang matanggap ay binasa niya naman iyon.

"Nakalagay riyan na gagamitin namin ang mga magiging sagot mo sa interview para sa research namin. Payag ka ba ro'n?"

"Payag syempre!" Mayroon pa siyang sinabi pero walang boses.

"Para mai-record ang interview, kakailanganing gumamit ng recorder kung saan ay maririnig ang boses mo at maaari ring makita ang mukha mo. Payag ka ba ro'n?"

Ibinaba niya ang papel at tinignan ako. Humilig sa kaliwa ang ulo niya sa akin bago ako bigyan ng ngiti. "I do, father."

"Hindi ako father..." Ibinigay ko sa kaniya ang ballpen na kinuha ko rin kanina. "Pakilagay na lang ng pangalan at pakiperma."

"Pero kailangan ko munang magpaalam kay coach, eh." Ngumiwi siya at bahid ang pag-aalangan sa mukha niya na agad namang nawala nang ngumiti siya. "Pero ako nang bahala ro'n."

Umiling ako at maliit na ngumiti. "Kailangan kong magpaalam sa kaniya." Dahan-dahan akong naglakad pabalik sa mga kagrupo niya.

"Ako nang bahala. Ayos lang sa akin," rinig kong sambit pa niya mula sa likod ko ngunit huli na dahil nakarating na ako sa kanila.

Nakakaasiwa talaga ang mga titig nila. Nakakahiyang magkamali. Lumunok ako bago tumingin sa coach nila. "Puwede ko po bang siyang ipaalam?"

"Ayos lang basta magiging masaya itong bata namin," sagot ng coach tsaka tumingin sa ipinapaalam ko. "Ano, Ck? Magiging masaya ka ba?"

Hindi pa nagagawang sumagot ng lalaki nang umugong muli ng iba't ibang pangungusap mula sa ibang manlalaro.

"Hindi lang masaya iyan."

"Kilig to the bone si Cooks niyan!"

"Sira talaga kayo!" malakas na angal ni Crisostomo sa kanila at sinamaan pa sila ng tingin. Kahit na nakanguso siya ay lumalabas ang kaniyang pisngi at halatang nagpipigil ng ngiti.

Itinaas niya ang binti at ginamit iyon bilang sandalan ng papel. Mabilisan siyang nagsulat ng pangalan at perma ro'n. Nang tumaas ang tingin niya sa akin ay agad akong nag-iwas ng tingin. Bumalik lang ang tingin ko sa kaniya nang makitang iniabot na niya iyon sa akin.

"Huwag mo na lang silang pansinin," mahina niyang sambit na mukhang ako lamang ang nakarinig.

Mahina ako magsalita kaya naman kaya ko ring marinig ang mga mahihinang salita.

Nang matanggap ko iyon ay bahagya akong yumuko sa coach. "Marami pong salamat. Mauuna na po ako." Nagpaalam rin ako sa mga manlalaro bago tuluyang umalis.

May narinig akong tawanan ngunit hindi na ako tumingin pa pabalik. Binuklat ko ang consent form at nakita ang pangalan at perma ng lalaki roon. Isinara ko ang papel at nakitang may sulat sa likod noon.

I really do father.

Share This Chapter